after a sweet please

Zacznij od początku
                                    

Natigilan ako ro'n. Naging madalas na kasi pag-uusap nila at kinukutuban na ako sa kung ano man 'yun dahil malimit lang naman gumanito sina Mama at Papa. But then again... maybe it's just some important matters. I hope it is.

"Okay then," Ngumiti na lang ako, "Let's go?"

He nodded before we went outside. Siya na rin ang nagpresentang i-lock ang bahay habang ako naman ay dumeretso sa kotse.

Our flight is at 3:00 PM. Medyo malayo ang biyahe sa airport mula sa Mivida kaya inagahan namin ng alas dyes. Novan was reluctant to leave as well, but the last thing he wants is to disobey my plans.

Habang papaalis ay hindi ko nga maiwasang hindi maisip ang attitude na 'yan ni Novan. He likes serving me. He likes things when I like it. Walang araw na hinahayaan niya nga akong gumawa ng gawaing-bahay o kahit magluto man lang! Baka sabihin nila inaalila ko siya!

But he's acting well. Kahit hindi ko siya minsan sabihan ay saulo niya na ako. I wonder just how did he do it so fast! I wasn't even able to decipher him before pero nagawa niya sa'kin 'yun nang walang hirap man lang.

"My friend is staying near our vacation house pala. I called her to inform of our arrival. Nag-aya siya ng dinner. Do you want to go?" Tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe.

"You know I wouldn't refuse your wants. Of course, we should go."

I bit the insides of my lip, "You know you're free to refuse, Nov. Hindi naman kita didiktahan kung ano gusto mo."

He chuckled. Mula sa peripheral vision ko ay naramdaman kong tinignan niya ako. Itinigil din niya ang sasakyan gawa na mukhang rush hour at mat-traffic talaga kami sa avenue.

"That's the problem, Solace. I can't refuse when it's you." Aniya.

Tinignan ko siya at mabilis na inirapan para itago ang pag-iinit ng mukha. Tinawanan niya lang ang reaksyon ko at hindi na nagsalita.

"Matagal pa 'ata ang traffic," Puna ko habang tinitignan ang mahabang linya ng sasakyan sa harap namin, "Makakaabot kaya tayo sa flight natin?"

"We will." ani Novan na nakatingin sa relos niya, "It's quite early."

Tama rin naman siya sa sinabi niya. We caught up with our early flight when we reached the airport at 1:00 o'clock. Medyo tumagal kasi ang traffic dahil sa isang aksidente na nadaanan namin kanina.

Ang nagpakunot lang ng noo ko ay nang makita ko si Vienna sa airport na nakahalukipkip at nakaupo sa departure area. Nasa tabi niya si Weston na ngumiti nang makita kaming naglalakad ni Novan.

Pasimple naman akong napasulyap sa kamay ni Weston na nasa kandungan ni Vienna. Hinayaan niya lang ang isa. Aba nga. Parang noong nakaraan lang ay naghahabulan 'tong dalawang 'to, ah? Nagsuyuan na ba sila?

"It's nice to see you again!" Bungad ni Weston na malaki ang ngiti kay Novan. Tumayo siya mula sa kinauupuan at sinalubong kami, "Sorry that we didn't make it to your family event, by the way. Dahlia called to inform that they had an important patient. Her and Wallace are under the same department. Alam mo naman ang dalawang 'yun."

Tumango si Novan bago sumagot. Napatingin naman ako kay Vienna na tinaasan ako ng kilay habang nakatingin sa kamay namin ni Novan na magkahawak. She whipped her loose brown hair away from her face pero hindi nawala angpang-iimbestiga sa mata niya.

I bit my lip before smiling awkwardly. Sinamaan niya naman ako ng tingin. Mukhang hindi niya pa alam. Hindi ko rin naman nasabi nang direkta. I hid things when she talked about it on the phone. Ayoko kasing sabihin nang hindi kami nag-uusap sa personal.

Over Each Ruins (Virago Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz