with her epiphany

Start from the beginning
                                    

Nagtatanong ang mata nila, naniningkit pa! Anong problema ng mga 'to?

"Is there something wrong?" I blinked at them.

"What did you do?" Pinaningkitan ako lalo ni Yves.

"Oo nga," Sabay pa ni Dahlia, "May ginawa ka 'no? Bakit ganu'n na si Novan?"

I gaped at them, "Wala, ah? I didn't do anything. In fact-.'

"Novan is just conscious to her," Nigel cut me off, his lips are playfully smirking, "Huwag niyo na tanungin si Sol ano ginawa niya kay Novan. Kahit naman 'ata simpleng pagsabi lang ni Sol na lumuhod 'yun 'e luluhod 'yun 'e."

Nginisihan niya ako lalo. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Bukod sa hindi siya marunong mag-kuya ay talagang ine-exaggerate niya ang kilos ng kapatid niya! Wala naman akong alam kung bakit ganu'n si Novan, pero I'm certain I didn't do anything to him! Pinanatili ko lang naman siya rito sa utos ni Tita Selene.

"That's not true." Agad kong alma.

"It's the opposite of what I see," Logan piled his hair, "It's been that way ever since we arrived. Kung wala sa'min ang tingin niya ay nasa'yo naman. Sure ka bang walang may namamagitan sa inyo?"

My cheeks heated up, "Nothing at all!"

"Pero gusto mo?" Pang-aasar niya pa.

"Hindi!"

"Nah. How old are you again? 27? It's not bad to try. Masarap magmahal mga mama's boy. Lalo na 'yan si Novan." Logan smirked more, earning a laugh from all of them and an expression of disbelief from me.

I tried to calm myself down. Kung tatanggi ako ay paniguradong itutuloy lang nila ang pang-aasar sa'kin.

"Those aren't in my mind, Logan. It's my career over anything. That one can wait." Mahinahon kong saad.

"Bahala ka, Sol," Inirapan ako ni Dahlia, "Baka maunahan ka. Gwapo pa naman si Novan, marami magkakandarapa riyan."

Napailing-iling ako at mas piniling huwag na patulan ang pang-aasar nila. Dumating naman si Novan at binigay sa'kin ang plato kong nilagyan niya ng pizza, fries, and side dish na carrot salad. Binigyan niya rin ako ng cucumber juice. Heto 'yung hinanda namin kanina para kina Dahlia.

Pansin kong tinignan nila ulit akong lahat nang bumalik si Novan sa kinauupuan. Most of them are smirking playfully, something that I just discarded as we eat. Nag-usap na lang kaming lahat patungkol sa party, kahit na kapansin-pansin na nakatuon lang sa'kin ang atensyon ni Novan sa tuwinang tumatawa ang lahat.

I discarded those. Nang gumabi naman ay naisipan nilang mag-movie marathon pero humindi na ako kasi dinatnan ako at talagang ang sakit ng puson ko. Nanatili ako sa kwarto pagkatapos. Mas ginusto kong matulog at magpahinga pero hindi rin natuloy dahil may biglang kumatok.

"Solace, it's me." A baritone voice called.

Napamulagat ako at napabangon. Pilit kong ininda ang sakit ng puson nang tumayo ako't pinagbuksan siya, si Novan. Baka kasi may kailangan o ano, but that's what I just expected.

First thing to meet me when I opened the door was a towel. Nang umangat naman ang tingin ko kay Novan na nilahad 'yun ay pinigilan kong magulat sa nag-aalala niyang ekspresyon.

"Dahlia told me that your stomach hurts... from your period," Aniya na halos hindi matanggal ang mata sa'kin, "This might help."

Napatingin ako sa twalyang nilahad niya, "A-ano 'yan?"

"I searched how to make a hot compress. This can ease the pain." Umiwas siya ng tingin mula sa'kin, mukhang nahihiya bigla sa tinuran.

I chuckled. He looks cute now that he's shy.

Over Each Ruins (Virago Series #2)Where stories live. Discover now