Chapter - 24

250 53 38
                                    

Lucas

Hindi na ako nagulat nang pagtungo ko sa kusina nang umagang iyon ay makita si Kuya Jeremy, ang bantay ni Pauline, at tila inunahan talaga ako ng gising.

“Bata pa ang señorita. Madaling bolahin... Kaya nga naiintindihan ko si Sir Paolo sa paghihigpit ng bantay sa anak...” anito nang magsalin ako ng kape sa sariling tasa.

“I-iba ang nangyari kagabi,” tinangka kong sabihin ngunit bumuntong hininga ang lalaki.

“Kung tutuusin, dapat ay ipinaalam ko na kay Sir ang nakita ko kagabi, pero naisip kong pagsabihan ka na lang muna. Iwasan mo ang alaga ko hangga’t maari. Kapag naulit pa iyong kagabi ay sasabihin ko kay Sir Paolo ang lahat.”

Matagal bago ako nakabawi mula sa pagkabigla. Nakakainis dahil wala man lang akong naisagot sa lalaki. Imagine, pinagsabihan niya ako sa sarili kong pamamahay?

Pero dahil guilty ako ay hinayaan ko lang si Kuya Jeremy. Naisip ko rin na mali yata ang ginagawa kong paglapit kay Pauline. Hindi ko dapat ito hayaan na lang sa kilos niya. Baka kung ano ang isipin ng dalaga dahil sa halik na namagitan sa amin kagabi.

I swear, hindi na mauulit iyon.

PAGKATAPOS mag-almusal ay lumabas na ako ng bahay at kinuha ang kabayo sa kwadra. Ilang sandali ay nakarating agad ako sa kanluran. Kumunot ang noo ko nang madatnan doon sina Daniel, Dr. Jean at Juliet. Pagkuwa’y napasulyap ako kay Maki.

“Anong problema?” tanong ko na agad lumapit sa tatlo

“Nanghihina si Maki kaya tinawagan ko agad si Doktora. Hindi na kita naisip puntahan dahil nataranta ako,” paliwanag ni Daniel.

Paluhod ko namang hinaplos ang tiyan ng alagang baka. Halata sa hitsura nito ang labis na paghihirap.

“Nahihirapan siyang mag-labor. Lucas, marami nang dugo ang nawala sa kanya,” ani Doktora.

“G-gawin mo ang dapat gawin. Make sure na hindi siya masyadong mahihirapan,” mahina kong tugon sa babae.

Pinili ko ang manatili roon habang ginagawa ni Doktora Jean ang lahat ng makakaya upang maisalba si Maki at ang anak nito. Parang ako iyong nahihirapan sa nakikitang pagdaing ng baka. Si Juliet naman ay nakauunawang idinantay ang isang kamay sa balikat ko.

Saka ko lang naalalang naroon nga pala ang dating nobya. Hindi ko na ito napansin dahil nasa alaga ang atensyon ko. Si Maki ang pinakamatagal kong alagang hayop bukod sa kabayo ko. Kaya ang bigat sa dibdib ng nakikita.

Ilang sandali ang lumipas, naisilang ang anak ni Maki, subalit hindi nito kinaya ang panganganak.

Pauline

Masigla akong bumangon kinabukasan at may ngiti sa labing bumaba ng kabahayan. Pakanta-kanta pa ako na tinungo ang dining room ngunit dagli ring naglaho ang aking ngiti nang mapansing wala roon si Lucas. Ang aga pa pero wala na agad ito.

“Nasaan si Lucas?” usisa ko kina Freya at Dale.

“Maagang nagtungo sa alaga niyang baka,” sagot ng babae.

Bumigat ang pakiramdam ko sa narinig. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain. Mas importante talaga iyong baka kysa sa akin. Napansin kong maging si Kuya Jeremy ay wala rin doon kaya tinanong ko si Dale.

“Hindi namin alam. Baka tulog pa,” sagot ni Dale.

“Ha? Hindi naman iyon nagpapatanghali ng gising, ah.”

Makalipas ng ilang sandali ay may dumating na tao. Nalaman namin dito na namatay raw ang alagang baka ni Lucas kaya hating gabi na raw makakauwi ang binata.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now