Chapter - 14

216 40 29
                                    

Pauline

Pasimple kong nilapitan ang mga kaibigang nagkakasiyahan sa tabi ng swimming pool habang ang mga mata ay pasulyap-sulyap sa kinaroroonan ni Lucas. Tahimik itong nakaupo sa isang table at batid kong alam niya ang pagpapapansin ko.

“Okay lang ba kayo, guys? Maraming food sa loob. Huwag kayong mahihiya,” nakangiti kong saad sa mga tao roon.

“Ang ganda ng party mo, Pauline. Everything was perfect,” sabi ni Tonet. Isa sa mga kaklase ko.

“Ang bongga at ang daming gwapo!” kinikilig namang dagdag nina Lucia.

“Kayo talaga. Gwapo lang talaga ang napansin n’yo, ha!” natatawa kong wika.

“Totoo naman. Look at that guy,” turo nito sa pwesto ni Lucas. “Hindi ko ini-expect na may ganyang kagwapong kapatid si Freya. Bukod sa kuya mo ay bet ko ang isang iyan.”

Nawala ang matamis na ngiti sa aking labi dahil sa narinig. Pagkuwa’y wala sa loob na tinitigan ang binata na sa tingin ko’y namumula na sa kalasingan. Hindi ko inaasahan ang inis na mararamdaman ko sa mga babaeng ngayon ay halos lumuwa ang mata sa katitingin dito.

Kung wala lang kami sa party na iyon ay baka inirapan ko ang mga ito. Kaya lang ay kailangan ko pa ring maging nice dahil nasa bakuran ko sila.

“Ah...guys, alam n’yo napakaraming pogi sa party ko. Bakit naman siya pa ang nagustuhan n’yo?” nandidiri ko kunwaring sinulyapan ulit si Lucas. Muntik na akong mamula nang masalubong ang matiim nitong titig kaya agad akong umiwas ng tingin.

Gosh, tinitingnan din pala niya ako! Ayii

“Marami ngang gwapo pero iba ang dating ng isang iyan. Parang magaling sa...alam n’yo na!” sabay tawa ng mga naroon.

Palihim kong naikuyom ang kamao. Anong karapatan ng mga itong pagpantasyahan ang boyfriend ko!

“Gwapo na ba iyan sa inyo? Alam n’yo bang sa bundok iyan nakatira? Ang mga kinakain niyan ay puro gulay at nagsasaka rin sila ng palay. Tingnan n’yo at parang bano sa paligid. Kasi’y probinsyano iyan at madalang bumaba ng bundok. Balita ko pa, muntik na iyang maging NPA,” pagsisinungaling ko na ikinasinghap ng mga bisita.

Sorry, Lucas, pero mas mabuti nang masira ang image mo sa kanila kaysa magkaroon ako ng kaagaw sa iyo.

“Grabe, totoo ba?” nahihindik na reaksyon ni Tonet.

“Kaya nga madalang iyang magtungo sa Manila, e. Sikreto lang natin ito, ha. Baka makarating kay Freya. Alam n’yo namang war kami ng babaeng iyon.”

“Oo naman. Gosh. Hindi talaga ako makapaniwala. Ang gwapong farmer niya, huh! Sayang naman.”

Napangisi ako nang ibang lalaki na ang maging topic nila. Natutuwa akong nagpaalam saka lumapit kina Trisha at Kuya Patrick. Katabing-katabi nila ang table na kinaroroonan ni Lucas kaya todo pa-cute ako habang nakikipag-usap sa dalawa.

“Happy birthday.”

“Thank you, Kuya Patrick. Hindi ka kasabay ni Kuya pag-alis?” tanong ko sa lalaki.

“Hindi. One week kasi ako rito.”

“Ah...” tango ko.

Konting oras lang ako nanatili roon bago dumiretso sa talagang pakay. Alam kong habol ako ng tingin ni Trisha pero hindi ko pinansin ang dalaga.

“Hi, Lucas,” bati ko sa binata. Tumango lang naman ito. “Are you enjoying the night? Or nabo-bored kana? If you want I can—”

“I’m okay, Pauline. Mayamaya ay aalis na rin kami ni Freya,” sagot nitong walang ngiti sa labi.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now