Chapter - 02

296 45 35
                                    

Lucas

Hindi makaimik si Freya habang magkatapat kaming nakaupo sa sala ng condong tinutuluyan niya. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang patawag na ito ng dean nila dahil sa gulong laging pinapasok ng kapatid.

Dahil doon ay napaaga tuloy ang luwas ko. Dapat ay sa isang linggo pa ako tutungo sa Maynila upang bumili ng mga kakailanganing pataba sa farm. Pero dahil nga kay Freya ay napaaga iyon.

Noong medyo bata-bata ang kapatid ay naiintindihan ko pa ang pagsali nito sa gulo. Sa aming tatlong magkakapatid ay siya ang hindi nakaranas magkaroon ng ama dahil baby pa siya nang mamatay ang daddy namin. At bata pa rin siya nang tuluyan kaming maulila sa magulang nang mawala si Mama.

Kaya upang mapunan ang kakulangan sa kapatid ay pinilit kong maging ama at ina rito. Noong sabihin niyang dito niya nais magpatuloy ng pag-aaral ay pumayag ako kahit malalayo siya sa akin. Ikinuha ko pa siya ng hulugang condo dahil aniya ay mayayaman ang mga schoolmate niya. Nahihiya itong mangupahan sa mumurahing apartment. May pera naman kami ngunit ayokong pinangangalandakan niya iyon sa lahat. Ngunit para nga mapasaya siya ay sinunod ko ang nais ng dalaga.

Ibinigay ko ang kaya kong ibigay kay Freya sa kabila ng pagiging pasaway nito lalo na sa pag-aaral. Ilang beses siyang umulit ng high school at inintindi ko pa rin iyon dahil inisip kong hindi madali ang adolescene stage. I did everything I can to make her happy. Ultimong sarili kong buhay ay kinalimutan ko magabayan lang siya nang maayos. Pero ganoon at ganoon pa rin si Freya.

Ngayon ay anak na naman ni Tito Paolo ang nakaaway niya. Ang masama ay parang kapatid ko lang ang sinisisi ng mga professor sa school. Hindi ko naman masabing may kinikilingan ang mga ito dahil ilang estudyante ang nagpatunay na si Freya ang nagsimula ng gulo. At ayon pa sa mga ito ay mabait na estudyante si Pauline. Oo, tama. Pauline ang pangalan ng bunso nina Tito.

“What is it this time, Freya?” bulalas ko matapos huminga nang malalim.

“Si Pauline ang may kasalanan. Sumusobra na siya, Kuya! Lahat na lang inaagaw niya ultimong crush ko!” anito na ikinamaang ko.

“My God, Freya! Lalaki naman ngayon ang pinag-awayan n’yo? Nakipag-away ka dahil lamang sa isang lalaki? Mag-isip ka nga!” inis kong pakli.

“Bakit ba parang lagi na lang ako ang may kasalanan kapag nag-aaway kami? Kapatid mo ako kaya dapat ako ang kampihan mo!”

Naiiyak na ito kaya binabaan ko ang boses nang magsalita.

“Ikaw lang ang may record sa school tulad ng vandalism, bullying, cutting classes at pagsagot sa mga guro. Anong iisipin nila sa iyo? Malinis ang record ni Pauline—”

“Dahil nagpapanggap siyang mabait! Kuya, maniwala ka! Sweet-sweetan ang bruhang iyon kaya pet ng mga prof. Isa pa’y anak siya ni Tito Paolo. Dahil sa pera nila kaya favorite siya ng lahat. Bakit kasi hindi natin ipakita sa mga iyon na mayaman din tayo!!”

“Freya, walang sinabi ang yaman natin sa mga Villanueva. Saka hindi pera ang batayan ng pagkatao mo. Kung inayos mo lang noon ang record mo’y hindi ka sana nasisisi ngayon.”

Tumahimik ang kapatid at mayamaya ay nakita ko na lang na kinukusot na nito ang mga mata. Iyak-iyakan na naman ito. At ako naman ay maaantig kapag ganoon na siya. Para kasi sa akin ay siya pa rin ang batang si Freya na kinakarga ko pa noon.

“Lumipat ka na lang kaya ng school? Sa atin ka na lang mag-aral—”

“No!” mariin niyang tanggi sa aking suhestiyon.

“Okay. Kung ayaw mo ay huwag! Pero sana naman ay umayos kana. Paano ka makakatapos niyan sa pag-aaral kung lagi ka na lang sa dean’s office?”

“Kung titigilan ako ni Pauline ay saka ko lamang iyan matutupad!” aniya na ikinahinga ko nang malalim.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now