Chapter - 28

234 50 33
                                    

Lucas

I kiss her goodnight at pagkatapos ay niyakap ko si Pauline nang mahigpit. Alam kong may ini-expect na mangyari ang dalaga subalit hindi maaari. Hindi ko pa alam ang kahihinatnan kapag kinausap ko na ang ama nito. Ngunit sigurado akong may malaking kapalit ang pakikipagrelasyon ko sa kanya kaya ngayon pa lang ay inihahanda ko na ang sarili.

Nangako ako kay Tito Paolo na hindi pakikialaman ang bunso nito. Kaya ko naman iyon kahit napakahirap. Bata pa si Pauline, kailangan pa nitong makatapos ng pag-aaral. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng kabataan nito. Nakahanda akong maghintay sa nobya.

“Lucas, hindi ako makatulog,” anas ni Pauline kaya niyuko ko siya. Dilat na dilat pa nga ang mga mata nito.

“Ipikit mo kasi iyang mata mo para makatulog ka,” sabi ko.

“May matigas kasi sa tapat ng tiyan ko, eh...”

“Ha?” Namula yata pati bumbunan ko sa narinig. Bigla rin akong tinuyuan ng lalamunan. Kanina pa ba buhay ang alaga ko? Wala naman akong iniisip na iba bakit mabubuhay iyon?

“Kung ano-anong napapansin mo,” kunwari ay irap ko sa nobya pagkuwa’y inilayo nang bahagya ang baywang dito.

“Lucas, can I touch it?” tanong nito na ikinalaki ng mga mata ko. Bigla akong napabangon at muntik na siyang mauntog sa matigas na katre dahil nakaunan siya sa isa kong braso.

“Pauline, anong sinasabi mo?”

“I want to touch it,” namumulang hiling nito. Lalo akong nabalisa sa pagtitig sa mukha niya.

“Hindi pwede.”

“Bakit? Girlfriend mo naman ako, ah?”

“B-bata ka pa. Hindi ka pa pwede ng mga ganoong bagay—”

“Lucas, naman! Dalaga na ako at boyfriend kita. Lahat ng friends ko nakahawak na ng ganyan, ako na lang ang hindi.”

Muntik na akong makapagmura sa narinig. Kung bakit ay lalong tumigas ang ibaba ko dahil sa sinabi nito. God knows how I wanted to touch her too. Parusa ng langit ang pagkakaroon ko ng batang nobya at anak pa ng ‘di basta-bastang tao. Anong gagawin ko?

“Aalis na ako bukas pero wala man lang akong private memories kasama ka. Puro na lang gala, gala. Hindi naman ako si Dora at lalong hindi ka si Boots...” nakalabi nitong wika.

“Pauline...” nasabi ko na lang.

“Okay, hindi ko na ipipilit. Basta gawin mo na lang ulit sa akin ang ginawa mo noon sa Eco Bar sa kotse.”

Mariin akong pumikit pagkuwa’y umiling dito. Alam ba niya ang sinasabi? Naglalaro ito ng apoy. Wala iyon sa isip ko nang dalhin siya rito. Gusto ko lang siyang makasamang matulog bago ito bumalik ng Makati.

“Ayaw mo? Hindi mo ako mahal kung ganoon!” anito ba biglang bumalasik ang maamong mukha.  Nang hindi ako sumagot ay padabog itong nahiga patalikod sa akin.

“Pauline, I can’t touch you. Papatayin ako ng daddy mo kapag pinakialaman kita,” mahina kong saad.

“Malalaman ba niya? Para kiss lang naman. Kung ibang lalaki ang naging boyfriend ko’y baka hindi na ako virgin ngayon!”

Napailing ako sa huling narinig. Mayamaya ay nag-isip ako nang malalim. Kung susundin ko ang nais ng nobya ay nangangamba ako na baka humantong iyon sa hindi dapat. Wala naman sanang kaso dahil nakahanda akong panagutan siya. Kaya nga lamang ay napakabata pa nito.

“Pauline...” Hinawakan ko sa braso ang nobya. Hindi ito kumibo kaya nahiga akong muli sa tabi nito at niyakap ko siya sa baywang.

“Matutulog na ako, Lucas.”

Until I Get Over YouWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu