Chapter - 21

229 47 31
                                    

Pauline

Hindi ko akalain na mananakit nang bongga ang buong katawan lalo na ang mga binti ko matapos maligo nang gabing iyon. Paglabas ko ng banyo ay hindi na ako makausap ni Dale. Basta na lang ako sumalampak ng higa sa mahabang sofa sa itaas ng bahay nina Lucas.

“A-anong nangyari sa’yo? Naengkanto ka ba ng tubig dito?” nag-aalalang tanong ng kababata.

“A-ang sakit ng binti ko...” nanghihina kong sagot dito.

“Sabi ko na, e. Ikaw ba naman ang maglakad nang sobrang layo?”

Umayos ako ng higa at ipinatong ang mga binti sa hita ni Dale. Alam na nito ang gagawin kaya ilang sandali lang ay umuungol na ako sa sarap ng paghilot nito sa paa ko.

“Ginawa mo pa akong masahista...”

“Para akong lalagnatin, hmmm.”

“Lovelife pa kasi,” tila pang-aasar nito. Inis kong isinipa ang isang paa. “Hoy, umayos ka. Baka kung anong masagi mo riyan. Bahala ka...”

“Ano naman kung masagi ko iyan? Nakita ko na naman iyan noon.”

“What? Ang bunganga mo! Baka kung anong isipin ng makakarinig. Mga bata pa tayo noon.”

“Tsk. Ayusin mo ang pagmamasahe.”

“Tss!”

Nakarinig kami ng tikhim kaya sabay kaming napabalikwas ni Dale. Agad akong ngumiti nang makita si Lucas. May dala itong tray na may baso ng tubig at gamot.

“Naabala ko ba kayo?” tanong nitong walang kangiti-ngiti sa labi.

“Ah...hindi syempre,” sagot ko matapos agad bumangon.

Ipinatong nito ang tray sa mesa. “Inumin mo ito para hindi manakit ang katawan mo. Pasasamahan ko na rin kayo kay Freya at Yaya Perla sa mga silid ninyo after that,” anito pagkuwa’y agad na ring tumalikod. Hahabulin ko pa sana pero ang kirot ng paa ko kaya napahiga na lang ako ulit.

“Ang cold na ulit. Ang sweet pa no’n kanina, ah?” nasabi ko kay Dale.

“Oo nga. Kinabahan din ako ro’n, ha. Baka bigla tayong palayasin. Paano tayo uuwi sa hacienda n’yo nang ganitong oras?”

“Hindi naman siguro.”

Lucas

Nakakailang buntong-hininga na ako ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip ang nakitang pagmamasahe ni Dale sa paa ni Pauline. Hindi man iyon malaswang tingnan pero nakakangitngit pa rin.

Ganoon ba sila kalapit sa isat-isa? Alam kong mula pagkabata ay magkaibigan na ang mga ito pero para sa akin ay masyado silang komportable sa bawat isa. Dapat siguro ay lagyan nila ng boundery ang pagkakaibigan nila.

Tsk. Bakit ko ba pinoproblema iyon? Ang dami kong kailangan gawin ngayon pero iyon pa ang mas inuna kong isipin.

Sh*t! Wala pang isang araw rito si Pauline pero hindi na agad niya ako pinatatahimik!

“Kuya, mag-usap tayo!” Si Freya na kapapasok lang ng silid ko.

“Tungkol saan? Hindi ako pwede ngayon dahil may binabantayan akong baka sa kanluran,” paiwas kong saad. Nakalimutan kong hinihintay na nga pala ako ni Daniel patungo roon.

“Saglit lang ito!”

“Ano ba iyon at hindi mo na maipagpabukas?”

“Bakit mo tinanggap dito sina Pauline? Alam mo namang may gusto sa’yo ang babaeng iyon. Paano kung pikutin ka niya?”

Until I Get Over YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant