Chapter - 20

263 51 28
                                    

Pauline

Kung hindi lang ako nananabik na makita agad si Lucas ay nungka akong maglakad sa ganito kasukal na daan. Hindi ko akalain na ganito kalayo ang boundery ng dalawang hacienda. Inalok ako ni Tito Jason ng kabayong sasakyan ngunit tumanggi ako. Bukod sa takot ay hindi ko rin alam sumakay sa ganoon.

“Señorita, ayos lang po ba kayo?” boses ni Kuya Jeremy na kaagapay ni Dale sa likuran.

Nilingon ko ang mga ito at gusto kong mangiwi. Nakasakay sa kabayo si Dale dahil marunong siya niyon. Ayon dito’y ayaw niyang magkarumi ang sapatos na suot. Maalam din ang bodyguard kong mangabayo ngunit dahil pinili kong maglakad ay wala itong nagawa kun’di alalayan ako.

“Sabi ni Tito, malapit lang kapag dito tayo dumaan? Isang oras na yata tayong naglalakad ay wala pa akong nakikitang bahay. Ang kati-kati na!” sabi ko. Wish ko lang hindi kami maligaw. Itinuro lang sa amin ang daan papunta roon e.

Tiningnan ko ang mga braso. May pula-pula na iyon dahil sa makakating damo na dinaraanan namin. Marami ring dumikit na kung anong mga damo sa damit ko at mahirap iyong alisin.

“Isang oras kung gagamit tayo ng kabayo. Ayaw mo naman kaya malamang na abutin tayo ng gabi bago makarating sa kanila,” ani Dale.

Gabi? Hmmm... Mas okay iyon para kina Lucas na kami matutulog. Makakausap ko ito nang mas matagal. Tutal ay nagdala naman ako ng damit. Ewan ko lang kina Dale at si Kuya Jeremy.

“Gusto n’yo po bang magpahinga muna?” tanong ni Kuya Jeremy.

“Hindi na, Kuya. Okay lang ako,” iling ko. Ngumisi naman si Dale sa akin.

Mababa na ang tirik ng araw nang makalabas kami ng gubat. Sumalubong sa mata namin ang pinyahan. Halos mahigit ko ang hininga hindi dahil sa lawak at ganda ng lupaing nakikita ko kun’di dahil sa layo ng daang lalakarin palabas doon.

“Ibig sabihin, tulay na ang kasunod nito,” boses ni Dale.

“Yes. And that means, nasa Hacienda Delgado na tayo,” segunda ko.

Sulit ang pagod ko sa isiping malapit ko nang makita ang lalaking pakay. Kaya naman kahit nangangalay na ang mga binti ay mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Pagkatawid ng tulay ay may namataan kaming isang binatang nakasakay rin sa kabayo. Kumunot ang noo nito pagkakita sa amin.

“Sino kayo? No trespassers are allowed here,” anito na matiim ang tingin sa akin na tila inaalala kung saan ako unang nakita.

Teka lang, probinsyanong inglesero? Nakakamangha naman.

Pinasadahan ko rin ito ng tingin. Siksik ang katawan nito at medyo sunog sa araw ang balat. Mukha itong NPA sa outfit niya pero may hitsura ang lalaki. Hindi ko tuloy sure kung mabait ito.

“Ako si Yana Pauline Villanueva. Siya si Dale at si Kuya Jeremy. Patungo kami sa villa ng mga Delgado,” wika ko.

Saglit naman itong natigilan, pagkuwa’y nag-isip.

“Sino ang sadya ninyo roon?”

“Si Lucas Delgado,” sagot ni Dale.

“Si Freya Delgado,” sagot ko naman. Inis akong lumingon kay Dale at sinikmatan ito. Kinakabahan tuloy akong lumingon kay Kuya Jeremy. Baka kung ano ang isipin ng bodyguard ko sa narinig.

“Kung ganoon ay ihahatid ko na kayo roon,” anang lalaki. Nakahinga naman ako nang maluwag.

“What’s your name?” I asked.

“Aw, sorry, nakalimutan ko nang magpakilala. I’m Daniel, kaibigan ni Lucas at katiwala sa farm.”

Natuwa ako sa narinig. I think makaka-close ko ang isang ito. Mukha namang mabait. Hihihi.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now