Chapter - 18

264 47 33
                                    

Emma

Pagkababa ng jeep ay tulala pa rin ako nang lakarin ang eskinitang daan patungo sa aming bahay. Hindi mawala sa utak ko ang napag-usapan namin ni Pauline. Si Lucas na kapatid ni Freya ang lalaking kasama nito noon sa Eco Bar.

Paanong hindi ko namukhaan ang lalaki noong magkita kami sa party ng huli? At paano naakit ni Pauline ang tulad ni Lucas? Tingin ko rito ay maprinsipyong tao. Imposibleng ma-in love siya sa spoild brat na tulad ni Pauline.

Well, maganda naman talaga ang babae. Halos kalahati yata ng populasyon ng estudyante sa school ay may crush dito. Pero ayokong tanggapin na pati si Lucas ay nabighani rin sa kanya. Sobra na pagnagkataon.

Ngunit kataka-taka ang paglagong lalo ng suklam ko sa kaibigan. Ano ba ang nararamdaman ko sa kuya ni Freya? Bakit ganito?

“Emma!” Napatingin ako at nakita ang isa kong tiyahin. “Bilisan mong umuwi. May bisita ka sa bahay n’yo!” anito na ikinakunot ng aking noo.

Halos takbuhin ko ang maputik na daan upang makarating agad sa aming bahay. Wala akong ini-expect na bisita kaya nagtataka ako kung sino ang tinutukoy ni Tiya.

Pagbukas ko ng pinto ay ganoon na lang ang pagkagulat ko nang masilayan ang panauhin.

“L-lucas...” anas ko.

Tumayo ang binata at binati ako. Simpleng itim na t-shirt at kupasing pantalong maong ang suot nito ngunit sapat na iyon upang umangat ang kanyang kagwapuhan.

“Kanina pa iyan dito. Manliligaw mo yata,” bulong ni Nanay matapos ilapag sa mesa ang malabong juice at biscuit na binili sa tindahan.

Bigla akong nakaramdam ng hiya sa bisita. Unang beses na ikinahiya ko ang aming munting tahanan. Hindi ako makatingin sa mata ni Lucas lalo na nang makita ko ang sapatos nitong may putik na nasa gilid ng aming pinto. Tiyak na galing iyon sa eskinita kanina.

Kahit simple lang si Lucas at wala sa porma ang pagiging mayaman ay hindi lingid sa akin ang katayuan nito sa buhay. Ayon na rin sa kwento ni Pauline tungkol sa mga ito ay may porsyento ang mga Delgado sa Villanueva Builders Company.

Kung katayuan sa buhay ang pag-uusapan ay bagay silang dalawa. Parehong mayaman. Ngunit bakit ang bigat sa dibdib na isipin iyon?

“P-paano mo nalaman ang tirahan ko?” iyon ang unang nanulas sa aking bibig.

“I have ways. Sorry kung bigla na lang akong pumunta. Naisip ko kasing kausapin ka muna bago ako bumalik ng hacienda,” anito.

Kipit ang bag na naupo ako sa katapat niyang bangko na yari sa mumurahing kahoy. Nang maalala ang coat ng binata na ipinahiram sa akin ay agad akong nagpaalam at kinuha iyon sa silid.

“Ito ba ang ipinunta mo? Kalalaba lang kasi ni Nanay,” sabi ko nang i-abot ang coat na maayos na nakalagay sa isang plastic bag.

“Hindi iyan ang sadya ko, Emma,” seryoso ang mukhang wika nito bago sumulyap sa aking ina.

Nang makatunog ay lumabas ng bahay si Nanay hila ang bunso kong kapatid. Nang maiwan kaming dalawa ay naiilang akong tumingin sa lalaki.

“T-tungkol ba sa video n’yo ni Pauline?” lakas-loob kong tanong.

He sighed. “Yes. Anong dahilan mo para gawin iyon?”

“S-si Freya ang dapat mong tanungin niyan...”

“Emma, kilala ko ang kapatid ko. Alam kong hindi niya iyon kayang gawin. Gusto kong linisin ang pangalan niya kay Tito Paolo pero hindi kita nais ipahamak kaya hindi ako makikialam. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit mo iyon ginawa. Kaibigan mo si Pauline—”

Until I Get Over Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें