Chapter - 16

284 45 35
                                    

Lucas

Hindi ako kumbinsido sa sinabi ni Dale kaya pagkatapos naming mag-usap ay nilapitan ko si Tito Paolo.

“Pasensya kana, Lucas, nagkaproblema sa loob kaya ngayon lang ako nakabalik,” anito.

“K-kung pwede po sana ay may sasabihin ako sa inyo,” kinakabahan kong saad. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa lalaki? Lalo na at tungkol sa bunso nito ang ilalapit ko.

“Importante ba iyan? Pwede bang bukas na lang o kaya ay sa susunod na araw? Aasikasuhin ko pa ang mga bisita ni Pauline.”

“S-sige po...” buntong-hininga ko. “Magpapaalam na po kami ni Freya.”

“Okay. Salamat sa pagpunta.”

Huminga ako nang malalim bago lumayo. Hindi ko sigurado kung tama ang gagawing pag-amin pero iyon ang dapat na mangyari. Tama si Dale, alam kong hindi mapapalampas ni Tito ang nalaman. Gagawa at gagawa ito ng paraan upang makilala kung sino ang lalaking kasama ng anak nito sa parking lot ng Eco Bar.

Ayokong masira sa lalaki kaya mas mabuting umamin na kaagad. Kung hihintayin ko pa si Pauline ay kailan pa ito magsasabi nang totoo? Hindi ko alam ang takbo ng utak ng dalaga.

Ilang sandali ay hinanap ko sa paligid si Freya upang ayain na pauwi. Subalit sa pagtataka ko ay hindi ko ito nakita. I decided to call her pero hindi nito sinasagot. Naalala ko ang kwento ni Dale kaya mabilis akong lumabas ng mansion. Kailangan ko nga palang kastiguhin ang kapatid.

Tama ang hinala ko. Naabutan ko si Freya sa loob ng sasakyan. Humihikbi ito at nang makita ako ay agad na umiwas ng tingin.

“Sinabi ni Dale ang nangyari. Totoo bang ginawa mo iyon?” tanong ko sa kapatid.

“Sa tingin mo ay kaya kong gawin iyon, ha, Kuya?” asik nito nang luhaang lumingon sa akin. “Pati ba naman ikaw ay pagbibintangan ako?!”

“Calm down! I’m just asking. Kung hindi ikaw ay sino? Kaibigan ni Pauline si Emma kaya hindi mo masisisi ang mga tao na mapaghinalaan ka.”

“My God, Kuya! I hate Pauline so much pero hindi ako ganoong kadesperada. Hindi ko nanaising mapahiya pati sina Tito Paolo sa video na iyon. Alam mo kung gaano siya kahalaga sa akin!”

I sighed. Pagkuwa’y hinaplos ang buhok ng dalaga subalit pumiksi ito.

“Naniniwala naman ako, e. Pero bakit naman iyon gagawin ni Emma sa kaibigan niya? Nakilala ko pati siya kanina. Mukha siyang mabait at...naawa ako dahil binu-bully siya ng mga kaklase n’yo.”

Tumalim ang mata ng kapatid. “Nagpapanggap lang ang Emma na iyon. Saksi ako sa ka-plastic-an ng babaeng iyon. Pareho sila ni Pauline na may nakatagong ugali!”

Hindi ko na lang sinaway ang kapatid sa sinabi nito. Kung bakit ay parang ayaw kong nakakarinig ng pangit na salita patungkol sa anak ni Tito Paolo. Dati naman ay balewala sa akin ano man ang sabihin ni Freya laban dito.

“Tahan na. Bukas ay kakausapin ko si Tito Paolo. Alam kong hindi siya naniniwalang magagawa mo iyon sa anak niya,” pang-aalo ko rito.

Tumigil naman ito sa paghikbi ngunit nasa labas pa rin ng bintana ang tingin. Kumilos naman ako upang isuot ang seatbelt.

“Paano ko magagawang ilabas ang video ng paghahalikan n’yo ni Pauline kung alam kong pati ikaw ay pwedeng masira kay Tito Paolo?”

Natigilan ako sa sinabi ng kapatid. Nahinto pati ang pag-i-start ko ng ignition ng sasakyan.

Akala ko ba ay hindi ako nakilala sa video? Iyon ang sinabi ni Dale.

“Freya...” buntong-hininga ko.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now