Chapter - 1

601 68 68
                                    

Pauline

Ilang beses akong umikot sa harapan ng lifesize mirror habang pinagmamasdan ang sarili. Pakiramdam ko’y masyadong mahaba ang skirt ng uniform na suot ko. Iyong iba kong schoolmate ay halos lumampas lamang ng butt ang haba pero iyong sa akin ay kulang na lang ay umabot na sa tuhod.

Ewwww!!! Nakakainis! Kung pwede nga lang paikliin iyon ay ginawa ko na. Nga lang, baka mamaga naman ang butt ko sa palo ni daddy kung gagawin ko iyon. Idagdag pa ang palo ni Mommy at walang katapusang sermon nito na akala mo’y nabuhay sa mundo ni Maria Clara. E, mukha namang hindi rin siya mahinhin noong kabataan nila.

Strikto ang daddy ko lalo na sa akin. Marami itong rules sa bahay at isa na roon ang pagsusuot ko ng disenteng damit. Ayon dito, hindi ko kailangang gumaya sa ibang kabataan na halos maglantad ng katawan makasunod lang sa uso. Kaya madalang ang mga damit kong revealing. Ayokong makagalitan ni Daddy kaya hindi ko tinangkang magsuot ng sexy clothes. Mahirap na! Baka maputol ang allowance ko.

Sa kabila ng pagiging istrikto ng ama ay sweet naman ito at mapagmahal sa amin ni Mommy. Hindi ito kailanman naghigpit sa pera kaya kahit ano ay nabibili ko. Well, mayaman naman kasi talaga kami. Lumaki akong tatak ang salitang iyon sa akin. Kaya halos lahat ng schoolmate ko ay Lucky princess ang bansag sa akin.

Lucky pero hindi biniyayaan ng malaking dibdib! Another ewwww!!! Ilang buwan na lang ay 18 na ako pero iyong boobs ko’y naiwan yata sa high school.

Bakit, boobs?! naitanong ko pa habang hawak ang magkabilang dibdib. Mabuti na lang at may butt ako kaya sexy pa rin. 5'4 ang height ko at may maputing balat. Kulot ang buhok ko at singhaba ng pilikmata ng manika ang eye lashes ko. Sa truth lang, wala akong makitang pangit sa hitsura ko. Kaya umaasa akong lalaki pa si boobsy ko. Bata pa naman ako e. Sabi pati ni Mommy ay wala sa lahi namin ang maliliit ang dibdib kaya may pag-asa pa raw ako!

Matapos isuot ang mamahaling hairband ay lumabas na ako ng kwarto dala ang school bag. Tamang-tama naman dahil naghihintay na sa tapat ng gate ang bestfriend kong si Dale. Nasa business trip ang parents ko kaya kay Yaya Bing na lang ako nagpaalam bago umalis.

“Ang tagal mo, grabe!” salubong ng binata sa akin.

“Only girls can understand,” kibit-balikat kong saad bago nilingon si Kuya Jeremy. Ang aking driver-bodyguard mula pagkabata.

“Señorita...” lapit nito.

“Kay Dale po ako sasabay pagpasok sa school,” paalam ko na nakangiti.

“Alam na po ba ng daddy niyo?” sa halip ay tanong nito na ikinapikit ko nang mariin. Akala ko kasi ay makakalusot na ako rito.

“H-hindi, e. Pero baka pwede na kasi malapit na naman akong mag-legal age.”

“Huwag mo nang ipilit. Idadamay mo pa ako!” bulong ni Dale sa akin na agad kong kinurot sa tagiliran.

“Ang bilin po ni Sir Paolo ay ako lamang ang maghahatid at susundo sa inyo sa school at sa kotse ko lamang kayo sasakay.”

Oh well! saulado ko na ang sinabi ni Kuya Jeremy. Pinigilan ko lang talaga ang mapairap at baka isipin nito na nagmamaldita ako. I’m so nice pa naman to everyone.

Ang ending nga ay sa kotse pa rin namin ako nakasakay habang si Dale ay nasa motorsiklo niya at nakaagapay sa amin. We are bestfriends at isa sa promise namin sa isat-isa ay lagi kaming sabay na papasok sa school no matter what. Iyong pag-uwi lang ang hindi kaya dahil may magkaiba kaming activities lalo na ngayong college na kami.

Mula pagkabata or sabi nina Mommy, fetus pa lang daw kami ay mag-bestfriend na raw kami ni Dale. Mag-bestfriend din ang parents namin lalo na ang mga daddy namin at magkatapat pa kami ng house. Sabay kami ng birthday at madalas ay sabay rin namin iyong isine-celebrate. Walang kapatid si Dale at ang nag-iisa ko namang kuya ay sa ibang bansa nag-aaral. Kaya ito ang lagi kong kasama.

Until I Get Over YouWhere stories live. Discover now