Chapter - 04

265 46 34
                                    

Pauline

Nakakailang balik na ako sa kwarto ay hindi ko pa rin magawang dumiretso sa opisina ng daddy ko. Hindi ko mapagdesisyunan ang tamang gagawin na pagpapaalam sa kanila ni Mommy.

Kailangan kong makapunta sa birthday party ni Ate Jen kahit na anong mangyari! Ayokong mapahiya lalo na sa Freya na iyon.

Pero paano nga! Hays!!!

I sighed. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong hininga ko na iyon. Mabait si Daddy pero may pagka-istrikto kasi iyon pagdating sa akin. Patunay na sa ganitong edad ay may bodyguard pa rin ako. Naiintindihan ko naman siya sa ginagawa pero sa totoo lang, minsan ay naiisip kong medyo OA na.

Naisip ko nga rin noon na baka wala na lang mapaggastusan ang ama kaya kahit nakatunganga ang ilang tauhan sa bahay ay kumukuha pa rin siya ng mga bantay sa amin. I understand his purpose like I said, pero ako iyong nagmumukhang maharlika e.

Ah basta! Oras na para makipagsabayan sa mga ka-age ko! Wala na ako sa panahon ng mapipinong dalaga! Ayokong mapag-iwanan ng mga kakilala. Ni wala pa nga akong crush!

Wait! What about the guy last time na may mabangong amoy? Tsk! Bakit napunta roon ang pag-iisip ko? Baka lalo akong hindi payagan ng daddy ko kapag sinabi ko iyon.

Pero kasi naman! May sugar daddy na si Freya, bakit ako’y wala kahit sugar baby man lang?! I mean, hello!!! Ang ganda ko ‘no! Sayang lang kung mabuburo sa bahay na ito.

Naalala ko iyong sinabi nina Ate Jen.
“Hindi kompleto ang teenage life mo kung hindi ka man lang magkakaroon ng first kiss. That’s one of the best memories na aalalahanin mo kapag adult kana.”

So I need to kiss na ba?

They said na maraming cute guys sa Eco Bar at doon ay pwede akong makatagpo ng magiging first kiss ko. Pero nag-aalangan naman ako na baka bad breath ang makuha kong first kiss.

Bigla kong naisip si Dale. Ito na lang kaya ang i-first kiss ko tutal ay sure naman akong wala pa rin itong nahahalikang girls sa school.

So uunahin ko ang first kiss kaysa magpaalam kay Daddy?

Pagkatapos ng pagtatalo ng isip ay tinawagan ko si Dale sa telepono at pinapunta sa amin. Ilang minuto lang ay naroon na ito.

Sa veranda sa taas ng mansion ko siya natagpuan. Nakasuot na ako ng pajamas at maging ito pala ay ganoon din. Bawal kasi ito sa kwarto ko kaya doon lang kami maaring mag-usap.

Isa sa mga rules ni Daddy ay no boys allowed in my room. Kahit ang Kuya Yuan ko ay hindi pa nata-try pumasok doon. Pareho silang istrikto ni Dad kaya ito na rin ang nagbawal sa sarili niya. Sa case naman ni Dale...well, noong bata kami ay nakapaglaro din naman kami sa loob ng room ko pero pagtuntong namin ng sampung taong gulang ay bigla na lang itong pinagbawalan ni Daddy. Naalaala ko pa na isang linggo iyong iniyakan ni Dale at halos maggulong ito sa semento nang kausapin siya nito. Hanggang sa matanggap na rin niya na hanggang tapat na lang siya ng pintuan ng room ko.

Tinanong ko si Mommy noon kung bakit bawal na si Dale sa room ko and she said na ganoon daw talaga dahil nagdadalaga’t binata na kami. Sinunod ko na lang para hindi tumaas ang BP ni Dad.

“Ano bang sasabihin mo?” inaantok na tanong ni Dale.

Tinitigan ko ang gwapong mukha ng kaibigan. He’s my bestfriend at alam nito ang lahat tungkol sa akin. Hindi masama kung maging first kiss namin ang isat-isa. Para kapag nagtanong sina Ate Jen ay may maisasagot ako. At least, hindi ko na kailangang maghanap ng sugar daddy sa bar.

“Do you think we need to kiss?”

“Ha?” nganga nito.

“I mean, malapit na tayong mag-legal age pero pareho tayong wala pang first kiss. Bakit hindi na lang tayo ang mag-kiss?”

Until I Get Over YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt