Forgiveness

422 6 0
                                    

Ugh! Nakakainis yung slow connection, tae! Nawala yung pinaghirapan kong sinulat huhuhu ibabahin ko tuloy ang ending, magiging tragic bwhahahah kaya i need votes.

P.S : nakita ko si crush, peste! Hindi ko man lang nayakap :(

*******************-******************
[Syndey POV]

Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang doorknob ng kwarto ni tito Ron.

Dalawang araw din akong nawala. Sa dalawang araw na yun ay nagkasakit ako, mabuti nalang may tumulong saking kaibigan at nakita ako. Dinala niya ako sa bahay niya at ginamot.

"S-syndey? Hija! Gosh! Bakit ngayon ka lang?" Alalang tanong ni mama flor at kaagad akong niyakap.

Napatingin ako sa mga tao sa kwarto. Nandito si tito Ron syempre, pero ang nagpadurog ng puso ko ay si zeke kasama yung babaeng nakita ko sa office niya na naka polo lang.

"Ahh sorry po kung nag alala kayo mama" mahina kong sabi.

"Ehh saan ka ba galing? Dalawang araw ka naming hindi nakita ah? Naku! Nag aalala talaga kami. Pati nga to zeke parang baliw at kahit saan ka hinanap" sabi ni mama .

Napatingin naman ako kay zeke ,nagulat ako ng makitang kanina pa pala siya nakatitig sakin. Yung titig niya ay iba na, pero hindi ko parin mabasa yung emosyon niya.

Ang haggard ng itsura niya. Magulo ang buhok. Malaki at maitim din ang eyebags niya halatang hindi maayos nakatulog.

Kaagad din ako umiwas ng tingin.

"Ahh sorry po ulit" sabi ko

"Syndey? Hija? Ok ka lang ba? Mukhang may mali sayo ha?"biglang sabi ni tito Ron

Napangiti naman ako. Mabuti at buhay pa siya. Mabuti nalang at ok na siya.

Lumapit ako sa kama ni tito Ron.

"Ahh actually kagagaling ko lang po nagkasakit pero ok na po ako. Kayo po? Ok na po ba kayo? Salamat naman po sa diyos at buhay pa kayo. May miracle nga talaga" ngiti kong sabi

"Naku ganun ba? Dapat pala nagpapahinga kapa hija. Hahaha oo nga, salamat sa diyos at buhay pa ako. Mukha ngang totoo ang kasabihang matagal namamatay ang masamang damu" biro ni tito Ron

"Wag niyo nga po yang sabihin. Hindi po kayo masamang damu. Baka may mission pa po kayo kaya buhay pa kayo hanggang ngayon" sagot ko

"Hija salamat. Maraming salamat sa lahat. You have no idea how grateful i am to you. Salamat dahil sayo nagkausap na kami ni zeke at napatawad na niya ako" masayang sabi ni tito at tinignan si zeke.

Tinignan ko naman si zeke at nakita kong ningitian niya si tito.

Masaya ako at sa wakas ay okay na sila. Na nagkabati na sila.

"Wala po yun. Masaya ako at nagkabati na kayo" ngiti kong sagot kay tito

"Oh diba darlin ,ang bait ni syndey! Kaya nga botong boto ako sa kanya para sa tupakin nating anak hahhah napaka swerte ni zeke kay syndey" masayang sabi bigla ni mama

Natigilan naman ako.
Wala na po kami mama kung alam niyo lang.
Wala ng kami.

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant