Painful Goodbye

457 16 1
                                    

NAIA AIRPORT

Bawat hakbang ko ay parang pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko.

Bawat hakbang ay parang sinasaksak ako.

Bawat hakbang ay ang pagtulo ng luha ko.

Bawat hakbang ay indikasyong aalis na ako

Bawat hakbang ay pinapahihiwatig na iiwan ko na ang lahat ng problema ko dito.

At

Bawat hakbang ay ibig sabihin ,

Tuluyan ko na siyang iiwanan.

"I'm sorry" napatingin naman ako kay neil na ngayon ay dala-dala ang mga maleta namin.

Pilit akong ngumiti kahit sobrang basag na basag na ang puso ko.

"H-haha ano ka ba! Sabing wala ka ngang kasalanan! Tara na nga" sabi ko at lumakad na.

This is so heartbreaking.

It's killing me.

Tinignan ko ang relo ko.

5minutes zeke, 5 minutes nalang at aalis na ako.

Alam kong napaka tanga at baliw ko dahil umaasa akong hahabulin at pipigilan mo ko zeke, alam kong sobrang sama ko sa gagawin ko.

Pero mali bang umasa zeke? Mali bang umasa na sa storyang ito meron paring a happy ending?

Mali bang mahalin ka?

This is it.

The worst day .

It's been 1 week at ngayong araw na to ang araw na pupunta na kami ni neil sa Korea.

Dun daw gaganapin ang kasal namin dahil nandun daw nag migrated ang parents ni neil , samantalang ang parents ko ay hahabol nalang daw.

Malapit na, malapit na zeke.

Please? Kahit ngayon lang, ipagtanggol mo rin ako?

Kahit ngayon lang pigilan mo ko?

"10 seconds"

9

8

7

6

5

4

3

2

1

"Let's go franchet" sabi ni neil sakin at tumayo na siya.

Habang ako ay naka upo parin.

Lumingon lingon ako kahit saan , tangang tinitignan kong meron bang Zeke Monroyo na sisigaw ng 'Wag kang umalis'

"Franchet" ulit tawag sakin ni neil

Huminga akong malalim tsaka tumayo kahit parang nanlalambot na ang tuhod ko,kahit parang anytime matutumba na ako,kahit hindi na ako maayos maka hinga

Ang sakit,

Ang sakit nito.

Simple lang naman ang gusto ko ha? Kahit walang yaman basta nagmamahalan.

Siguro nga,

Siguro nga ay hindi tayo para sa isat isa zeke.

Maybe isa ka lang dun sa mga taong nakatadhanang makilala ko pero hindi makasama habang buhay,

Walang forever. Oo, kasali na ata rin ako sa mga W.F Club at Bitter Clan.

Lumalakad na kami papunta sa babaeng kukuha ng passport namin.

It's killing me knowing zeke didn't bother to see me for the last time,

It's killing me knowing he didn't chase after me.

He didn't depend our relationship.

Ang araw na to ay isa sa mga araw na hinding hindi ko makakalimutan.

I won't give up on you

Naalala ko pang sabi niya sakin noon

Asan na yung pangako mo zeke?

Bakit ang bilis mo naman atang sumuko?

Bakit ang bilis mo naman atang bitawan ako?

Tsk! Pagod? Pagod ka na ba sa lahat ng to?

Pagod ka na ba sa lahat ng problemang ito?

Pwes kung OO, you just did a right choice.

Tama nga naman, kasi kung patuloy ka pang lalapit sakin mas lalo ka lang masasaktan.

Pero alam mo kung anong mas masakit?

Yun nagpaka boba,tanga at baliw na ako para lang mahalin ka. Para lang iligtas ka. Para lang protektahan ka . at para lang ipaglaban ka.

Pero sa huli,

Bumitaw karin pala.

Ang hirap nito,

Yung tipong mag isa ka na lang lumalaban.

Mag isa ka na lang kumikilos at pinoprotektahan ang pagmamahalan niyo.

Goodbye zeke monroyo.

Kahit sa konting panahon na magkasama tayo naging masaya parin ako.

Aalis lang ako,

Gagamutin ko lang tong mga sugat sa puso ko.

Ibabalik at kokompletohin ko muna ang mga piraso ng basag kong puso.

At sa pagbalik ko,

Iba na ako.

Mas matatag,

Mas magaling,

Mas matapang,

Mas Palaban,

And lastly

Sa pagbalik ko Buo na ako ulit.

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ