THE NIGHT

1K 30 8
                                    

NDN #3

Malapit na ako sa restaurant at tanaw ko na si  Sir Zeke na nasa pintuan. Madilim na naman at tingin sakin at salubong ang mga kilay niya.

"Hoy bilisan mo nga paglalakad diyan! Kailangan kana sa loob" inis na sabi ni sir zeke.

Mas ngumiti pa ako sa kanya, eh sa ansarap niyang ngitian.

"Ayiiii si Sir excited makita ako at talagang sinalubong talaga ako " pang aasar ko sa kanya at may nakakalokong ngiti.

Tinignan naman niya ako ng masama . Umuusok na naman ang ilong niya.

"Heh! Shut up! Sinisigurado ko lang na malapit ka na wala sa mundo ito at para magawan na kita ng kabaong" aniya

"Ouch! You wounded me sir." Sabi ko at nag dramang nasasaktan. Inirapan lang ako ni sir at pumasok sa loob

Anong problema ng mokong na iyon?
Kung tutuusin ilang taon lang naman yata agwat namin pero kung makaasta siya para siyang Papa ko. Psh.

Pumasok nalang ako at nagtrabaho. Naging mabilis ang oras at hindi ko namalayan gabi na pala.

"Oh syndey uuna na kami ha? Babye" paalam sakin ng kasama ko sa trabaho.

Nauna na silang lumabas dahil maaga silang natapus sa trabaho nila. Habang ako naman ay tinatapus ko na lamang ang paglilinis sa sahig. Konti nalang kaming naiwan. Ilang minuto nalang kasi 9 na at maninirado na kami.

"Oh Sir, Nandito po pala kayo ^___^" nakangiting sabi ko ng makita ko si sir Zeke na  kakapasok lang at nakasimangot na naman.

"Ay hindi. Hindi syndey, picture ko lang to. Hindi talaga to ako" He said sarcasticly then rolled his eyes on me.

"Wow! Talaga! Aba matindi po yan! San niyo po yan nabili at maka gawa rin ako ng ganyan sir! Ibang klase at nakaka pagsalita pa po talaga" ngiting sabi ko at nagtawanan naman ang iilan kong kasama.

"Shut up " sabi nalang ni sir tsaka pumunta sa office ng mom niya.

Nagpatuloy na ako sa trabaho ko.

Mga bandang 8:50pm ay nagsimula ng mag alisan ang kasama ko.

Tanging ako at si Joy na lamang ang naiwan.

Oh BTW, si joy pala yung pinaka close ko dito. Kalog ka siya at may pagkabaliw rin kaya nagkakasundo talaga kami.

"Ay bessy hindi ka ba talaga uuwi? Hinahanap na ako samin eh" kanina pa nagtatanong si Joy. Atat na talaga siyang umuwi dahil gabi na rin kasi.

"Ah okay. Umuna ka nalang. Malapit na rin naman akong matapus. Sige ba-bye^_^" ngiti kong paalam sa kanya.

Insaktong alas nuebe ay natapus rin ako. Nagbihis na ako at lumabas sa room ng biglang tumunog ang tiyan ko.

Nakita kong kumakain si Sir Zeke sa isang table kaya sinaluhan ko siya.

"Mukhang masarap yan Sir ah?" nakangiti kong sabi at kumuha ng tinidor . Kumuha ako ng konti at kinain.

Halatang nagulat siya sa kapalan ng pagmumukha ko. Sarreh,inborn na eh.

"Hoy sinong nagsabi na kumuha ka ng pagkain ko? Sinong nagsabing sabayan mo ko?" Inis niyang sabi .

"Ahihihi akala ko po kasi tinawag niyo ako. Tsaka sobrang dami po nito at alam kung kailangan niyo tulong ko sa pag ubos nito ^____^ " sabi ko at nagsimula ng kumain.

PG na kung PG eh sa gutom ako eh. Hindi na ako nakapag dinner kanina dahil sa sobrang busy.

"Pssh patay gutom" bulong niya na hindi naman nakatakas sa tenga ko kaya nagpatuloy na lamang akong kumain.

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Where stories live. Discover now