So Close

461 12 0
                                    

Hahahah sa chapter nato talaga masusubok ang pagiging feelingera kong otor xD sana lang talaga merong maiyak o malungkot.

Tae! Naiiyak ako sa chapter na ito ;'(

***************************************

[Zeke POV]

Sampung minuto na akong nakaupo dito sa bench ,yung bench na inupuan din namin kahapon. Hinihintay ko si syndey.

Sampung minuto na din akong nagdadasal. Na sana isang masamang panaginip nalang to. Na sana isang malaking biro nalang to.

Kahapon, halos durog na durog ang puso ko sa sinabi niya.

Lalo na noong sinabi niyang wala na kami.

Halos matagal din bago ako nakasagot, at isang ha lang ang naisagot ko. Ganun ako kasabaw.

Hindi ko lubos maisip kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.

Pero siguro nga dapat lang mangyari to .

Ilang ulit ko na rin siyang nasaktan.

Ilang ulit ko narin siyang nilubayan.

Seloso ako, kahit konting bagay pinagseselosan ko na.

Sobra akong mahigpit sa kanya.

Nagiging possessive ako pag dating sa kanya.

Hindi man lang muna ako nagtatanong at kaagad nagagalit.

Hindi ko pinapakinggan ang mga paliwanag niya.

Palagi akong nagpapadala ng galit at emosyon ko.

Kaya ito na siguro ang kabayaran ng lahat ng yun.

Masakit.

Sobra.

Buong gabi din akong umiyak.

Bakla ba? Bakit? Ang babae lang ba pwede umiyak? Ang babae lang ba ang pwede masaktan? Ang babae lang ba pwedeng magdrama?

Pati rin kami. Kaming mga lalaki.

Umiiyak din kami. Nasasaktan din kami. Nagdra-drama din kami.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan ang pagdating ni syndey.

Tumayo ako at kaagad niya akong hinalikan pa smack sa labi at nagyakapan kami.

Ito! Sobrang mami-miss ko to.

Malaking kawalan din to sa buhay ko.

Naging routine na kasi to sa buhay ko, naging parte na.

Yung bawat halik niya na tila ipinapadama kung gaano niya ako kamahal.

Yung mga yakap niya na ipinahihiwatig na ayaw na niyang mahiwalay sakin

Ningitian ko siya.

Pero alam kong alam niya na ang ngiting ito ay katumbas ng luhang pinipigilan kung umagos.

Unti-unti ko ng nararamdaman ang pag kirot at pagsikip ng dibdib ko.

Kaya ko ba to? Kaya ko ba siyang pakawalan? Kaya ko bang tanggapin na malapit na kami matapus.?

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Where stories live. Discover now