THE THANK YOU

835 27 12
                                    


Nandito ako ngayon sa school at abala akong nag chi-check sa mga test papers . Tinulungan ko kasi si Teacher Pai. Since close kami at siya lang ang palaging tumutulong sakin kapag may problema ako.

Napahinto ako ng biglang nagring ang phone ko hudyat na merong tumatawag.

Its mom who's calling

"Hi mom ^_^ I miiiss you" bati ko kaagad kay Mom

(Oh Hi sweetie. How are you?)

"I'm doing great mom. Maybe Saturday makakabisita ako sainyu ni dad"

(Ohh that's great sweetie,hihintayin ka namin. I miss you so much na. Kung sana hindi ka nalang nagtrabaho eh)

"Mom? Are we gonna argue that topic again? I know mayaman tayo but that's not the point. May point is I want to be independent mom. To stand alone " sabi ko trying to explain my side again. We've been arguing about this matter a lot of times already. Especially when I'm talking to Dad.

(Yeah whatever. Basta Saturday ,OK? Bye I love you)

"Okay mom. Bye. I love you" sabi ko at pinatay na ang tawag.

Pagtingin ko sa oras. .

O_______O

1:35pm

Shete! Naloko na! Late nako sa trabaho ko nito, pagagalitan na naman ako ni sir Zeke nito

Dali dali akong tumakbo palabas ng room, para na nga akong kabayo. .ay wag kabayo,si sir yun eh. Si the flash nalang .

Sumakay na ako ng taxi at dali daling nagpahatid sa Restaurant. Huhu sayang yung pang taxi, pwede na sana yun sa baon ko eh T_T

"Ito po. Thank you" binigay ko yung pera sa Driver at dali-daling lumabas sa taxi

Dahil late na ako kay sa likod na ako dumaan at para malapit na rin sa room namin.

Hinihingal na hinawakan ko ang pinto upang suportahan ang katawan ko. Nakakapagod talaga pero buti nalang walang nakakita sakin. I laughed silently.

Dahan-dahan naman akong lumingon sa likod ko na para bang may multo akong narinig.

ANO? P-PAANO NIYA NALAMAN NANDITO AKO?

Humarap ako sa kanya at ningitian siya gaya ng lage kong ginagawa.

Halos lahat na ata ng santo ay natawag ko na para lang gabayan nila ang pag-iisip ng mokong na'to. Na sana hindi niya ako isisisanti.

"A-ahm, school matter po Sir. I'm sorry hindi na po mauulit. Promise po! Kahit bawasan niyo nalang an--"

"Magtrabaho kana doon." Aniya at biglang naglaho na parang bula.

Bastos eh! Nagsasalita ako? I'm talking besh?

Pero Wow! HIMALA! Wala siyang lecture 101 sakin ngayon. Hindi din siya galit o naiinis.

"Alleluja" masaya kong sabi at nagbihis na para makapagtrabaho.

"Here's your order sir" masaya kong sabi sa mga customer pagkatapus kong binigay ang order nila.

Nagulat ako ng bigla akong nilapitan ni sir Zeke.

"mamayang 10pm pumunta ka sa office ko." Seryoso niyang sabi at lumabas ng resto.

Bakit bigla akong kinabahan? Sobrang lakas ng dating niya talaga. Para siyang nagsasabi na "papatayin kita mamaya"
Baka pagagalitan na niya ako mamaya. Naku!

Kung kailan gusto kong bagalan ang takbo ng oras ay naging salungat naman ang nangyari.

Naging mabilis ang oras at namalayan ko na lamang na nagsiuwian na ang mga kasama ko.

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Where stories live. Discover now