Best Surprise

649 19 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kama ko.

Kakaalis lang ni zeke.

Mabuti nga umalis na yun baka kung ano na namang ka kornihan pagsasabi niya at ako si gaga maniniwala.

Hindi parin ako makapaniwala sa mga ikinilos at sa sinabi niya. Parang hindi siya.

Alam mo yun? Parang sinapian lang siya ni Dr. Love or ni Cupid at nagkaganuon siya? Pero effective ha? Sobrang napakilig niya ako >\\\

Nakakatakot pala pag inlove si zeke parang baliw'ng bakla sa kakornihan

Nag vibrate phone ko.

It's Zeke

From: Mr. Napkin
Susunduin kita mamayang 11am. Sa bahay kana daw mag lunch sabi ni mom.
Sigesige,kita kits.
Labyah ;)

Napatawa naman ako sa labyah at wink emoticon niya. Para siyang tange hahah

Natulog na muna ako dahil pagod rin sa biyahe.

Mga bandang 10am ay nag prepared na ako.

Shock! Bakit naman kaya ako sa kanila mag lu-lunch? Gusto akong makita ni Maam Flor?

OMG! hindi kaya dahil alam na niyang isa akong de grande? At ayaw na niya saakin at para kay zeke?

Iniisip ko palang yun para nakong sinasaksak.

Hay buhay nga naman. Andaming asungot na kontrabida sa love story ko.

Nakakabanas naman oh!

Arrg! Bahala na si Barney and his friends sa problemang yun.

I wore a yellow dress tapus simpling flat shoes.

Eh sa lunch lang naman diba? Hindi naman party.

Ilang minuto lang ay biglang may kumatok sa pinto ko.

Pagbukas ko ng pinto tumambad saakin ang isang gwapong zeke .Naks! Pinaghandaan ha?

"Tunaw na ko niyan" pang aasar niya.

Inirapan ko nalang siya para hindi mahalatang namumula ako

Sumakay na ako sa kotse niya .

"Hahaha para kang tange niyan! Itigil mo nga yan!" Tawa niyang sabi

Eh sa nag re-relax at nag me-meditation ako eh. Tapus yung kamay ko magkahawak , i mean yung kamay ni Naruto pag gagamitin  na niya powers niya? Imagine?

"Eeh sa kinakabahan ako eh. Baka galit si Mrs Flor saakin dahil noong scene na nangyari a week ago" alala kong sabi

"Hahahah hindi dahil doon. Iba. But anyway you owe me an explanation about that topic" ngiti niyang sabi sabay hinawakan ang kamay ko

Haay simpling salita lang yun pero parang nabunutan ako ng kaba.

Naaks iba na talaga pag lumalandi XD

Nakadating na kami sa isang two story na bahay pero mala mansion ang lawak niya.

"Ang yaman niyo pala eh" ngiti kong sabi

"Tsk! Mas mayaman kayo" pang aasar niya pero hindi ko nalang pinatulan

Sinalubong kaagad ako ng yakap ni maam flor.

"Oh hija i really missed you" ngiting sabi niya

"Ha? Ehh. I missed you too maam flor" ilang kung sabi

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Where stories live. Discover now