Got Feeling

405 9 0
                                    

Iba pala yung feeling pag yung kaibigan mo nagbabasa ng story mo at nag co-comment, parang nakakatawa at the same time nakakahiya hahhaha

Anyway, trip kong magpakilig ngayon kaya keep supporting this story.

**************************************
[Syndey POV]

"But we cannot hide this to zeke . Malalaman at malalaman din niya ito" malungkot na sabi ni mama flor

Nandito kaming tatlo sa garden ng bahay. Sobrang gulat ko talaga ng makita si mama flor umiiyak habang yakap yakap si tito Ron.

Nag usap na sila. Nagpaliwanag na si tito Ron at humingi ng tawad kay mama flor at ngayon ay ok na sila.

Actually bibisitahin daw ako ni mama sa bahay ng palihim ,kaya hindi siya nagpasabing pupunta siya sa bahay kaya ayun accidentally nagkita sila ni tito Ron.

"Ahm mama, plano po naming e-set up kayong tatlo sa birthday ni zeke. Since mukhang wala namang plano si zeke na magpa-party ay tayo tayo nalang mga kamag anak at kaibigan niya ang dadating sa konting salo salo na gagawin. Tapus yun, ipapa punta ko si zeke sa isang lugar na nandun kayo para magkausap kayo" sunod sunod kong sabi

Si zeke nalang ang kulang. Siya nalang ang kailangan para matapus na ang problema nilang pamilya.

Nag usap pa kami ni mama flor at tito ron. Kung ano ang gagawin pa since 5 days nalang at birthday na ni zeke.

Umabot kami hanggang hapon at nagpaalam na si mama flor na uuwi siya, baka hanapin pa siya ni zeke at magtaka yun asan siya.

Nang nakaalis na si mama flor ay nag usap ulit kami ni tito Ron

"Don't worry po, gagawin ko ang lahat basta ang importante ay makausap niyo po si zeke" sabi ko at ningitian si tito Ron

"Salamat hija, atleast bago man lang ako mamamatay ay makakausap ko ang anak ko. Thank you" ngiti nitong sabi

"Hindi po kayo mamamatay. Hahaba pa po buhay niyo, basta manalig lang kayo sa diyos. Everything is possible" sabi ko

"Salamat hija. You have no idea how grateful i am to you. Hmm,gabi na. Halika tulungan mo kong magluto" sabi ni tito ron at pumunta kami sa kusina

Advantage din pag kasama ko si tito ron. May natutunan akong bagong putahe. At unti-unti marunong na akong magluto.

Habang tumutulong akong magluto kay tito Ron ay biglang lumapit sakin ang katulong namin

"Maam nandyan po si Sir zeke" sabi nito.

Natigilan naman kami ni tito Ron

"HON? SYNDEY?" sigaw ni zeke sa pinto

Mabilis pa ni the flash ang pagtulak ko kay tito Ron sa Cr malapit sa Kusina namin.

"Dito lang po kayo ha? Wag po kayong maingay" bulong ko kay tito ron at tumango naman ito. Inilock niya ang pinto at ako naman ay kinalma ko ang sarili ko.

Humarap ako kay zeke. Halatang hindi maganda ang mood niya.

"Yes Hon?" Ngiti kong sabi at nilapitan siya.

Naka business attire parin siya. Halatang galing siyang trabaho at dumiretso siya dito.

"I called you 20times. I texted you 50times still no reply. " mahina niyang sabi pero diniin niya halatang nagpipigil magalit

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Where stories live. Discover now