THE FIRST DAY

1.1K 39 16
                                    

NDN #2

"Miss Syndey? Kayo na po. Pasok na kayo" biglang sabi ng secretary kaya tumayo na ako at pumasok.

Kinakabahan talaga ako kahit na buong gabi ko ininsayo ang sasabihin ko. Lahat na ata ng mala-Miss Universe na sagot ay isinaulo ko if ever magtanong sila.

Bumungad sa akin ang isang matandang babae na ngayon ay kaharap ang laptop niya.

" G-Goodmorning Ma'am" bati ko kaagad dahilan para makuha ko ang attention niya.

Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa. Bigla naman akong nahihiya at mas lalong kinakabahan.

"Sit" seryoso niyang sabi kaya dali-dali akong umupo.

" I won't take this too long because I still have another appointments to do. I'll just ask you one question then we'll see if you can answer it right" kaagad niyang sinabi na para bang pasimple lang niyang sinasabi na 'okay, kapag hindi mo ito nasagutan ng tama mamamatay ka'. Ganun yung dating sa akin. Scary af.

"Y-yes Ma'am. " yun nalang yung sinagot ko kaagad dahil sa kaba na nararamdaman ko.


"Why we should hire you?"

Dahil malaking kawalan ako kapag hindi mo ako tinaggap. Chaaaar! Joke lang.

" I believe you should hire me because you are hiring Ma'am. Also I want to grab this chance to be part of your business and be the tool for the successfulness of this restaurant" I said confidently like I never felt nervous. Bigla nalang itong lumabas sa bibig ko at huli na ng mareliaze ko ang sinabi ko.

Tinaasan ako ng kilay ng matandang babae. At ilang minuto pa ay tumayo siya.

"Congratulations, you are hired" masaya niyang sabi at inilahad ang kamay niya.

Seryoso?

I got hired? Ang bilis ng pangyayari ah.

Nakanganga ako habang nakikipag shake hands sa kanya. Sini-sink pa ng utak ko yung nagyari. I wasn't aware she'll like my answer .

"T-thank you po ma'am" masaya kong sabi

"Pwede ka ng magsimula ngayon mismo. Call the manager to assisst you." nakangiti niyang sabi tila malayo ito sa itsura niya kanina na para bang kaya niya akong kainin ng buhay.

" I will ma'am , thank you" sagot ko at ningitian siya pabalik.

"I like you and your humor.I think we need a person like you here." natatawa niyang sabi.

Tama! Baka natuwa talaga siya sa sagot ko.

Biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito ang isang greek god este isang lalaki pala.


Natigilan naman ako sa nakita ko.

WTF! BAKIT SIYA NANDITO?

The moment our eyes met felts like all the oxygen in this world were gone . I'm so shocked and he was too. The anger in his eyes is visible enough to make me tremble.


"Just what the fuck are you doing here?" galit niyang sigaw at kaagad lumapit sa amin.

"Zeke, show some manners. What's happening here?" nagtatakang tanong ni Mrs. Monroyo.


Kaagad naman akong umatras at yumuko. Uh-oh! Mukhang nakahanap ata ako ng gulo.

Nakakainis naman. Hindi pa nga ako nagsisimula sa pagtrabaho pero mukhang fired na ako huhu

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Where stories live. Discover now