Let Me be The One

402 13 1
                                    

Natatawa ako sa sarili ko kung saan ko nakukuha ang mga hugot lines xD
Para akong ewan xD

Anyway, keep supporting this story. Please VOTE!

*************************************
[Syndey POV]

Sa sobrang bilis ng araw ay hindi ko namalayan na ngayon na pala ang birthday ni zeke.

Kinakabahan ako para mamaya. Sana lang talaga magkausap sila at mapatawad na ni zeke si Tito Ron.

Nandito ako ngayon sa bahay nila zeke, tinutulungan ko sila mama flor at francesca para sa konting salo salo .

Mga kaibigan at kapamilya lang din naman ang pupunta kaya hindi masyadong nakaka stress isipin.

Nakakalungkot na mag isa muna si Tito ron sa bahay. Hindi kasi siya pwede dito baka makita lang siya ni Zeke.

Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang tumawag si zeke.

"Hi hon"

(Asan ka hon?) Seryoso niyang tanong.

Kinakabahan ako sa kilos ni zeke simula noong magkasama kami nag grocery. Para kasing sumeryoso siya at mainitin ang ulo.

"A-ah ano, nasa bahay syempre. May kaibigan akong kasama" kabado kong pagsisinungaling

(Really? Who?) Seryoso niyang sabi at tila hindi naniniwala sakin

"Aheheh a-ano si breana. Remember? Siya yung classmate ko sa college. Heheh anyway, hon may surprise ako sayo. Wait me, pupuntahan kita sa office mo" pag iiba ko sa topic

(No need. Ako nalang ang pupunta sayo. Bye hon) seryoso niyang sabi at kaagad akong binabaan.

What the F!

Patakbo kong kinuha ang box na naglalaman ng binake kong cake kanina at sumakay sa kotse.

Hindi na ako nagpaalam kina mama at kaagad inutusan ang driver kong ihatid ako sa bahay.

"Kuya pakibilisan po" utos ko

Leche! Dapat pala talaga marunong na akong mag drive para pag ganitong eksena ay ako nalang ang nag dri-drive

Gosh! Sana hindi sila magkita.

Sana hindi niya makita si tito Ron.

Lahat na ata ng santo natawag ko na .

Kulang nalang mag rosaryo ako para maalis ang kaba na nadarama.

"Kuya,kuya! Dito nalang" sabi ko kahit hindi pa kami nakakarating sa gate ng bahay

Kaagad akong bumaba at patakbong pumasok sa gate.

"*hingal* zeke? Hon? *hingal* asan ka hon?" Sigaw ko habang papasok ako ng bahay

Naabutan ko si zeke nakaupo sa sofa. Nakakatitig lang siya phone niya.

Tinignan ko ang paligid. Wala si tito Ron. Asan kaya siya? Nakatago kaya siya?

"A-ahh Hi Hon. Mukhang napaaga ka ata ah? Aheheh " kabado kong sabi pero ningitian ko siya at umarteng walang problema

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Where stories live. Discover now