The Accident

410 13 7
                                    

Waaaah naiiyak ako. Naiiyak ako kung ano ang e-ending ko nito bwahahahah

Keke keep reading ^___^ pa plug ng HIS LITTLE SISTER ko :*

**************************************
[NEIL POV]

" so ano na plano mo?" Tanong ko sa lalaking nasa harap ko at nagpapaka lasing na naman . kahapon lang ng umuwi siya galing bukidnon.

Juicemaryosep!! Ano bang nangyari at naglasing na naman to?

Ang alam ko pinuntahan niya si franchet sa bukidnon ah! Ano kayang nangyari?

But mukhang hindi ko na kailangang itanong pa. Sa itsura palang ng mokong nato eh halata ng broken hearted. Tsk! Poor zeke.

"Ang sakit tol, bakit ganun? Bakit palagi nalang ako iniiwan ng mga taong mahal ko?" Malungkot niyang sabi at uminom ng isang basong alak

"Hindi naman sa iniiwan ka. Baka hindi niyo pa time na magsama" sagot ko. Eh sa hindi ako marunong mag comfort at mag advice eh.

"Ayaw ata nila sakin eh. Una si Dad. Iniwan niya ako, kami ni mom at hindi na nagpakita. Pangalawa si Yen na kung kailan kami malapit ng ikakasal ay nakahanap ng bago, at ang huli si syndey. . .paulit-ulit nalang niya akong iniiwan. Habol ako ng habol, takbo naman siya ng takbo" sabi niya at uminom na naman ng alak. Ramdam na ramdam mo ang kalungkutan sa boses niya

Naaawa ako sa mokong nato. Lahat na ata ginawa niya pero wala parin.

"Edi pag nahihirapan ka nang tumakbo eh lumipad ka nalang . Hayaan mo nalang siya. Kung kayo,kayo! Kung hindi kayo, aba't wag kang magpapatalo! Edi habulin mo ulit bwhahahah" tawa kong sabi. Ewan ko kung saan ko nakukuha tong kabaliwan ko .

Told yah ,hindi talaga ako marunong mag comfort hahahah

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Hahahah joke lang tol. Pero ito seryoso, maybe hayaan mo muna siyang mapag isip. Kung mahal ka niya edi babalikan ka niya. Manalo o kahit matalo ka man Basta ang importante ay tumaya ka. Lumaban ka. Ipinaglaban mo ang pagmamahalan niyo. Basta tol kapit lang, believe me franchet still love you" seryoso kong sabi

It's my opinion that franchet still love him. Hindi naman siguro mali paniwalaan siyang mahal pa siya ni franchet diba? Sa mga panahong gaya nito dapat talaga ay matatag ang loob.

"Yeah. Baka nga, sana nga mahal niya pa ako" malungkot niyang sabi

Bigla niya akong tinitigan. Napano siya?

"H-hoy anong tinitignan mo? Don't tell me may gusto ka na sakin?" Kabado kong tanong.

Mukha kasi siyang nakakatakot pag tinititigan niya ako gaya ngayon.

Bigla naman siyang napangiti ng nakakaloko

"Alam mo tol. . .paano kaya kung tayo nalang? Tayo nalang tol *grin*" nakakaloko niyang sabi habang papalapit sakin

What the!!! Ano na bang nangyayari sa mundo?? Teka? Kanina lang nag e-emote tong loko na to ah? Bakit ngayon parang sinapian ni Vice Ganda?

Papalapit na siya sa kinauupuan ko habang ako ay umaatras .

"H-hoy tol! Wag ka ngang magbiro! Anong balak mo? Susuntukin talaga kita" kabado kong sabi at naghahanda na sa suntukan

Nakakatakot talaga pag lasing ang isang to.

Nang Dahil sa Napkin  [Completed]Where stories live. Discover now