ignite the flames

Start from the beginning
                                    

"Are you joking?" Tanong ko pero hindi siya sumagot at tinaasan lang ako ng dalawang kilay habang nakatayo sa may door pane.

His expression said the complete opposite of "joking". And it made me stare at him in disbelief.

I take my words back! That jerk is crazy indeed! He's bizzare! Pagkatapos ng ginawa niyang halos pagpatay sa'kin nang una naming pagkikita at ang pagkadena niya sa'kin dito ay uutusan niya akong maglinis ng bahay?

"Get your ass up. I'm not feeding you here just so you can idly sit on that bed." Sarkastiko niyang sabi dahil hindi ako sumusunod sakanya.

Nagsalubong ang kilay ko, "Bakit ako maglilinis?! Hindi mo ako katulong! I'm your therapist! You chained me here!"

"If I'm sick in the head, I wouldn't have spared your life a week ago," Tumalim ang tingin niya sa'kin, "I don't need your psychiatric help and concern as well. I need you to clean the house or you'll get nothing but dog scrap as food."

Halos sumigaw sa pagtitimpi nang tinalikuran niya ako't umalis. Padabog akong umalis sa kama at sumunod gawa na rin ng banta niyang hindi niya ako papakainin o 'di kaya ay dog food ipapakain niya sa'kin.

Mabibigat ang hakbang ko siyang sinunod at kahit naiinis ay agad ko ring hinablot ang nakita kong walis sa gilid.

I was cussing all throughout following his orders. Bawat galaw ng walis ay nagmumura ako sa inis.

Hindi pa natapos do'n ang utos niya. Pinaghugas niya ako ng pinggan nang nakaposas, pinagpunas ng sahig at ng mga shelves nang nakaposas, at ang malala pa ay pinagwalis niya sa'kin first at second floor ng bahay. He made me do all the chores with my hands cuffed! The asshole he is!

"God." I sighed heavily when I finished wiping the windows.

Basang-basa na sa pawis ang t-shirt kong suot. Naliligo na ako sa pawis at dumi. It felt sticky on my skin. I wanted to take a bath pero nang saktong pagtalikod ko ay nando'n ulit siya't walang-emosyon na nakatingin sa'kin. Hindi nga lang gaya kanina ay may suot na siyang t-shirt ngayon, which I redeemed useless dahil manipis ang tela nu'n at bumabakat pa rin ang balbado sa workout niyang katawan.

He didn't speak pero agad ko na itinaas ang nakaposas kong kamay bilang pagsuko.

"Please. Let me rest. Then... if Nigel's busy, I'll cook my own meal." Huminga ako nang malalim at pinakitang pagod ako.

If I need to earn his sympathy as a way for him to trust me then I will. This man needs to lower his walls or I'll climb it myself.

"You're a one persistent woman."

Napatingin ako sakanya. His hooded eyes are staring at me like he's bemused. Salubong man ang kilay ay hindi ko makita sa ekspresyon niya ang galit, inis, o ano man. Instead, he looks confused.

And persistent, huh? Tinutukoy niya ba ang walang-pakundangan kong pagsunod sakanya para lang pagkatiwalaan niya ako?

Natawa na lang ako, "I told you I'm no harm and I won't give up proving that. I'm your therapist, I'll live by that."

He didn't answer. Nanatili lang siyang nakatingin hanggang sa nagsawa siguro siya sa mukha ko at mas piniling tumalikod para umalis.

Over Each Ruins (Virago Series #2)Where stories live. Discover now