Chapter 14

517 35 1
                                    

MAINGAY at nakakabinging tugtog ang sumalubong sa 'kin pagpasok ko ng Hypē. Samu't-saring amoy ng pabango, alak at sigarilyo. Parang gusto ko tuloy na umalis at umuwi na lang sa bahay at matulog. But for some odd reason, hindi 'yon ang ninanais gawin ng puso't-isipan ko. Animo'y may kung anong bagay ang nag-udyok sa 'kin at hanapin ito. Yes. Hindi ko alam pero kanina pa nagpabalik-balik sa isipan ko ang mga salitang binitawan ni Andrea sa 'kin kanina.



Get to know her? Why would I even do that anyway?




Para saan?



"Boss!" Malakas na pagtawag sa 'kin.



Mula sa di-kalayuan ay kaagad kong namataan si Ronel na kasalukuyang kumakaway para kunin ang atensyon ko. Katulad ko ay naglakad rin ito palapit.




"Mabuti naman at nakarating ka. Akala namin ay di kana makakapunta ang tagal mong dumating eh. Kanina pa naghihintay si Ma'am Thea sayo," Anito.




'Di naman talaga. Tinamad kaya ako. Kung 'di lang dun sa newbie'ng 'yon ay di talaga ako tutuloy pa. Iginiya naman niya ako sa mga ito. 




"Rhyz! Congrats!"




"Congratulation, Boss!" Kanya-kanyang bati sa'kin ng mga dating kasamahan ko sa Lillī. 



Nagguguluhang napatingin ako sa mga ito. 




"Ha?" 




Anong meron? 




Why are they congratulating me? What for?




Binigyan kaagad ako ng baso ng mga ito.



"Para sa bagong Manager ng Lillī! Boss Rhyz! Cheers!" Sabay-sabay na sigaw ng mga ito at nagtaas ng baso. 




Wait-





Whaaaaat?!




So, It's you (FreenBecky)Where stories live. Discover now