Chapter 8

591 40 2
                                    

T H E A



HANGGANG NGAYON ay hindi pa rin maalis-alis sa utak ko ang ginawa nito. What I was meaning to say is, yong ginawa nitong paglalapit ng aming mga mukha. I don't know why but my heart beat faster everytime I think about it. Napahawak pa ako sa kaliwang dibdib ko dahil ramdam ko na naman ang pamimilis niyon. 





"Miss Addison, are you okay?" Pukaw sa 'kin ng isang BOD. Tila namamalikmata'ng napatuon sa screen ang mga mata ko. Kasalukuyang nasa meeting pa pala ako together with  all of the Board of Directors. 




I quickly composed myself and nodded. "Yes. Please continue." Sabay motion ko sa kamay. Pasimpleng napatingin ako sa 'king relo. Magda-dalawang oras na pala akong kausap ang mga ito. At sa loob ng dalawang oras na 'yon ay walang ibang laman ang isipan ko kung 'di ang babaeng 'yon. 




Isang malalim ang naging paghinga ko at mas pinili na lamang na ituon ang atensyon sa screen. Funny thing is, I don't even know what they're talking about. Hindi ko matandaan kung para saan ba ang meeting na 'to? Dumaan pa ang tatlumpong-minuto bago ako nagpasyang i-dismiss iyon. Talaga namang nagsasayang lang ako ng oras kapag ipinagpatuloy pa iyon dahil kahit anong gawin kong pakikinig sa mga ito  ay wala ni isang pumapasok na ideya sa utak ko kung 'di iisang imahe lamang. Matapos isara ang laptop, hapong napasandal ako. Feeling ko tuloy, sobra-sobra akong pagod sa araw na 'to. 




"GET UP, bitch." Napaungol ako sabay alis sa kung sino mang kamay na 'yon. Inaantok pa ako at gusto ko pang matulog. "Thea! Bumangon kana d'yan kung ayaw mong buhusan kita ng tubig!" Pagbabanta pa nito. Damn. Sino bang siraulo ang nagpapasok sa babaeng 'to sa kuwarto ko? 


"Cas. I'm still sleepy." Pikit-matang ika ko at pilit na itinatakip ang kumot sa'king mukha. Nasisilawan kasi ako. Malamang binuksan ni Cressida 'yon, alam na alam kasi niyang ayoko na nakabukas ang bintana kapag umaga. Pumapasok kasi sa loob ng kuwarto ko ang sinag ng araw. 


"No! Kailangan mo nang bumangon ngayon din. Baka nakakalimutan mong Miyerkules pa ngayon?" Anito.


I groaned. 



"I'm not going to school." Sa halip ay sinabi ko. Ayoko na munang pumasok ngayon. Sa di malaman na  dahilan ay ayoko na munang makita ni anino ng babaeng 'yon kaya ako na ang mag-a-adjust dahil mukhang malabong gawin iyon nung isa. 




"What?!" Bulalas ng kaharap ko. Napatakip naman ako sa magkabilang tainga ko.




"Why are you so loud? Lumabas ka nga dito! Aga-aga nambubulabog ka!" Asik ko at masamang tiningnan ito.




"Bakit ayaw mong pumasok?" 


No choice, napaupo ako at sabay suklay ng mga buhok ko gamit ang mga daliri ko. "Nothing. I just don't want to." As if naman na sasabihin ko rito ang rason ko. Malamang mas pipilitin lang akong papapasukin nito. Di naman kasi nakakaintindi 'tong babaeng to kahit sabihin ko pa sa kanya na hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa SC President na 'yon. Kainin niya 'yong sorry niya. Di ako tumatanggap ng salita lang. Ang sakit-sakit kaya nung ginawa niya. 




"Ouch-! What the heck?" Inis kong baling rito sa kaharap ko matapos akong batukan nito sa ulo. 



"Lutang lang, girl? Kanina pa kita tinatanong kung bakit ayaw mong pumasok?" Napahalukipkip ito at matamang tiningnan ako. "Was it because of what happened yesterday?" Of course, she knows. Malamang na kalat na kalat na 'yon sa buong AU. Lagot talaga ako kay Dad pagnagkataong malaman niya na nang bu-bully ako. As if naman totoo. Tss.


So, It's you (FreenBecky)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt