Chapter 10

606 34 3
                                    

R H Y Z


WHEN I WAS a little, I say sorry a lot. Mostly because I feel like everything is my fault. Lumaki ako na tanging nakakasama ko lang ay ang aking ina, sa kanya ko natutunan ang kung paano ang lumaban at maging matatag. My mom, had suffered from BWS. Battered Wife Syndrome is a psychological trauma that results from ongoing physical, psychological, and sexual abuse from my father.


Lumaki ako na wala akong ibang nakakalaro o nagiging kaibigan habang gabi-gabi ay naririnig kong sinasaktan ni Dad ang asawa nito.


I was all alone. 




No friends at all. 



Because of him, I stay to myself for a reason. I can't trust.


Nakabalik kami sa AU ng walang imikan. Katunayan, kanina pa ako na b-bother. Hindi ako sanay sa pagiging tahimik nito. Alam kong mali. Katunayan ay nakaramdam ako ng konsensya dahil sa pang-iiwan ko dito kanina. One of the reasons why I don't want to associate myself with people. It's just that knowing more people or more like having friends is more than a load. Why? Because there are things you become responsible to do, so basically, you have to hang out with them, do them favors, please them, and try to put their comforts and wishes before yours. Don't get me wrong because I've seen everyone doing it. There is a constant introspection in your mind in your interaction with them. Honestly, in my case, these aren't fun for me. Not my thing, actually. But then-




Naunahan pa ako nito na lumabas ng kotse saktong pagka-park ko. Nakakapagtaka at nagawa kong ibigay ang buong atensyon ko sa newbie na 'to for the entire ride. I can feel it. Something's not right the moment she stepped out from that hotel.








"Where are you going?" Takang tanong ko rito nang makitang umibis ito't binuksan ang pinto't naupo sa driver seat. 




"Somewhere." Tipid nitong sagot at isinara niya iyon agad. Ni tapunan ako ng tingin nito ay di man lang nito ginawa.




"Miss Addison-" Bago ko pa man na mapigilan ito. Mabilis niya iyong pinaharurot ng takbo.





Frustrated na napasuklay ko na lamang ang mga daliri ko sa buhok. Great! Looks like I'll be babysitting a kid again. Napapamura na lamang ako sa 'king sarili habang sinusundan ko ng tingin ito.



Ano na naman ba ang pumapasok sa utak ng newbie'ng 'yon?






Bago pa man mawala sa paningin ko ang kotseng sinasakyan nito. Mabilis akong lumapit sa isang estudyante, katulad namin ay mukhang kakarating lang din nito.




"Miss. G-Good afternoon po!" Bati nito sabay tanggal sa suot na helmet.



"Kilbert." Buti naman at tanda ko pa ang pangalan nito. Wow. Akala ko nerdy type ito, may itinatagong angas rin pala 'tong lalaking to.




"Ano ho 'yon, Miss?" Pinamulahan pa ito ng mukha.



"Pahiram na muna ako ng bike mo." Walang pag-aalinlangan kong ika rito.





"Ah, o-okay po." Sabay abot nito ng susi.




"Thanks." Tipid kong sinabi at nagmamadaling sumakay dito.



Umalingawngaw kaagad ang malakas at maangas na tunog nito. Hindi naman talaga literal na bike 'tong hiniram ko kung 'di isang Kawasaki Ninja H2R. Tho, I'm not surprise at all. Ako lang yata ang nag-aaral na walang sasakyan sa school na 'to.




So, It's you (FreenBecky)Where stories live. Discover now