Chapter 13

494 26 1
                                    

R H Y Z


"HANGGANG NGAYON ay nagtataka pa rin talaga ako kung paano ko naging kaibigan 'to. Lahat nalang dinadaan sa pagk-kyut, eh." That's what I heard from Drie's phone. Ano na naman ba ang pinapanood ng babaeng 'to? Talagang pumunta lang ba siya dito para istorbohin ako? 



But wait-

"OMG! Ang kukulit ng dalawang 'to." Ika pa nito habang tatawa-tawa.



Naiiling na pinili ko na lamang na 'wag pansinin ito.



"Cas! Stop that-!"  




I groaned.




"Sida. What is you favorite activity?" As if she was reading something. " Me? Uhm, well may favorite activity is ang... kumain! Hahaha." Halos dumadagundong ang tawa ni Cressida sa loob ng office ko. Mariing napapikit naman ako ng mga mata. For a minute, I thought I was going to strangle her. Samantala, pangisi-ngisi lang itong isa. "Uhm, Thea. Ano ba 'yong mga bagay na gusto mong gawin. Like nung bumalik ka dito sa Pilipinas? May gusto ka bang gawin o puntahan?" Pagtatanong ni Cressida dito.


"Beach. I want to go to the beach someday," narinig kong sagot nung isa.




That's it.




"Drie. If you have nothing to do here you are free to go." Puna ko. Hindi ako makakapagtrabaho ng maayos kapag nandito to. Lalo na't rinig na rinig ko ang boses ng newbie'ng 'yon.






"C'mon, Rhyz. Kaya nga ako pumunta dito ay para samahan ka."




"I don't need your company. Nang-iistorbo ka lang." Patag kong ika.



Napairap lang ito.



"Ang harsh ha. Parang di ka nakakasakit ng feelings. Inaano ba kita?" She retorted.






"Then, shut your fucking phone. It's annoying." Di naman 'yan ganyan kanina. 





"Ayoko nga. I'm watching Sida's live. Oh, wait- look who's with her." Bigla ay paglapit nito ng phone sa harap ko. "She's with Thea's house pala. Grabe ang closeness ng dalawang 'yan. I heard they were like sisters na nga raw," ika nito na ikina-poker face ko. 




"Eh, ano naman sa'kin 'yon?" Minsan talaga hindi nag-iisip to. 






"SKL. Baka lang naman gusto mong malaman. Alam mo na," saka makahulugan itong kumindat sa gawi ko. Napataas ang kilay ko rito. Pinagsasabi ng babaeng 'to?




"Makapag-comment nga. Magm-mine ako kay Thea," anito sabay malakas na tumawa. Mine? What the heck-? "Pa mine naman ako d'yan sa bestfriend mo, Sida." Natatawang pagt-type nito.

What?

Marahas at di makapaniwalang napatingin lamang ako dito. Did she actually said it?




Bago ko pa man mahablot iyon ay kaagad na nailayo ni Andrea ang phone nito. "Done!" Damn. 




"Oi! Oi! Someone's watching. Thea. -mine daw, oh. Payag ka?" Dahil sa sobrang lakas ng volume nito ay kaagad ko iyong narinig. I presumed, that must be Sida.



"Who?" That voice! Shit. Kaagad napaangat ang tingin ko para sana tingnan ito. That's when Andrea joined the live and I saw my face on the bottom while hers is on the top of the screen.



So, It's you (FreenBecky)Where stories live. Discover now