Chapter 4

662 31 0
                                    

T H E A 






THE NERVE of that woman!







Ang lakas talaga ng loob na pagsalitaan ako ng kung anu-ano? Baka nakakalimutan niya kung sino ang kaharap niya? Damn. Talagang tinuring pa niya akong pup? 






Seriously?








Sa ganda kong 'to?







Inis na napagulo ko nalang ang buhok at nagpabalik-balik ng lakad sa loob ng room ko. Hanggang bahay dala-dala ko pa rin ang init ng ulo ko. Paano ba naman? Halos hindi na maalis sa utak ko ang huling sinabi ng babaeng 'yon. 



"Teka teka. Ako ang nahihilo dyan sa pinagagawa mo e. Ano ba kasing nangyari sayo?" Paghila ni Cressida sa 'kin. Pinaupo ako nito sa kama. "Kanina pa talaga ako naguguluhan sayo babae ka. Ano ba kasi ang ikinagagalit mo, ha?" Takang tanong nito. Sukat at napahalukipkip ang mga braso ko sa katawan.





"Nothing."I answered her with annoyance. Mas lalo lang iinit ang ulo ko kapag ikinuwento ko pa sa kanya 'yon. 



"Nothing? Try to look at yourself in the mirror," anito na ikinakunot-noo ko. Huh?






Why? 





Naguguluhan man ay napabaling sa salamin ang mga mata ko. I still look gorgeous pa rin naman, ah. What is she trying to say, ba?





"Gaga. Para ka kasing may papatayin!" Anito na ikinasama ng tingin ko.




"Shut up, Cas. Wala ako sa mood para makipagbiruan ngayon." Napatagis ang mga bagang 'kong sabi. 





"Fine. Pero ano bang problema mo? Kanina pa kasi hindi maipinta 'yang mukha mo. Pinagalitan kaba ni Rhyz kaya ka nagkakaganyan?" Pagtanong nito.






"Who's Rhyz?" 






Napaupo ito at kumuha ng unan ko saka niyakap niya iyon. "Si Rhyz? Seryoso? Di mo siya kilala?" 





"Itatanong ko ba kung oo?" Asar kong balik-tanong dito. Mas lalong pinapainit ng babaeng 'to ang ulo ko. 






 Sumusukong nagtaas ito ng kamay.







"Chill. Si Rhyz, siya 'yong SC President na kumausap sa inyo kanina. Yong babaeng matangkad, maganda at kulay brown na buhok, may kalakihan ang bilugan niyang mga mata. Akala ko pa naman ay kilala mo na siya." Right.








Iisang tao lang naman ang pumasok sa isip ko na tumutugma sa mga sinabi nito. Malay ko ba na ibang pangalan pala ang ginagamit ng babaeng 'yon. I thought she's-







"No." 






Napahalukipkip ako ng mga braso. Sa mga sandaling ito ay muling bumalik sa isip ko kung paano nito inilagay sa balikat ko ang suot nitong blazer kanina, the way she handed me her t-shirt. Iba iyong hatid sa puso ko. Aminin ko man o hindi, medyo nawala ang inis ko sa ginawa nito. 







"So, pinagalitan kaba niya?" Putol ni Cressida sa pagbabaliktanaw ko. 



Pinagalitan?







Parang hindi lang naman 'yon ang inabot ko mula sa babaeng yon. Napaka-bias niya. Nakakainis dahil pinagmukha pa niya akong masama. How can I defend myself kung sa simula pa lang pumapapel na ang tangang 'yon! Tapos ako pa 'yong hihingi ng tawad? 







So, It's you (FreenBecky)Where stories live. Discover now