Prologue

2.6K 51 7
                                    

"FUCK! Where is that damn prick?!" Hysterical kong tanong. I was right. Tang-ina! Hindi ko lubos na inakala na magagawa niya sa'kin ang lokohin ako! Ang lakas ng loob niyang pagmukhain akong tanga. Ang sakit-sakit. Sa unang pagkakataon na binigay ko ang buong tiwala ko ay doon pa sa walanghiyang yon!




"Thea, calm down. Mr. Jagger told me that he s-saw him awhile ago at the lobby. Kasama niya ang babaeng-" Cressida, no other than my one and only friend. Kabadong ibinabalik nito sa loob ng brown envelop ang mga mga nagkalat na litrato.

Hindi ko na pinatapos ito at nagmamadaling bumaba ng hotel. Asshole. At sa hotel ko pa talaga? And damn that girl. Kung sino ka man talaga. God knows kung gaano ako nasasaktan ngayon. Hindi ko alam kung ano ang kayang kong gawin sa mga oras na to. I badly want to hurt them both. Gusto kong ipadama sa kanila ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Lakad-takbo ang ginawa ko maabutan ko lamang ang mga ito.



I was right.

Tama nga ang kutob ko. Simula nitong nakaraan ay napapansin ko nga na bihira na lamang itong tumawag o magtext man lang. 


Kaya pala. 



My mind is in chaos right now. Pinaka-ayoko sa lahat ay iyong niloloko ako. I trusted him. All my heart, I thought he's the one. Sinagot ko siya't minahal. Pero...



Inis na napapunas na lamang ako ng mukha habang hinihintay ang pagbukas ng elevator. Kagagaling ko lang from Korea dahil pinasama ako ni Dad to support his business and also para na rin may alam ako kung ano ang dapat gawin in the near future. I have no choice. I am his only child. 





Mom was right. Why men can't stay in one relationship? Are there men out there who don't cheat and who value loyalty? 





I was already in the lobby nang mamataan ko si Anton. Yes. My boyfriend's name. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano niya hawakan at tingnan ang babaeng kaharap nito. Tho, I couldn't see her face. Kitang-kita ko ang repleksyon nito sa salamin. Sandaling pinagmasdan ko muna ang mga ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na maintindihan ang panggagagong ginawa ng boyfriend ko. I've known him for six years since junior high and we've been together for three years. Akala ko he's different, na hindi siya katulad ng ibang lalaki. 







Pakiramdam ko biglang huminto sa pagtibok ang puso ko nang mamasdan ko kung paano ito lumuhod sa harapan ng babaeng yon. I could hear everyone gasped. May iba pa nga na kinikilig dahil sa ginawa nito. 




Napakuyom ang mga kamao ko. Isang malahim na paghinga ang ginawa ko. At this moment, I know everything will change. Simula pagkabata, my dad taught me something. Akala ko natuto na ako. 



Kasabay ng pagmulat ko ng mga mata ay ang paghakbang ko ng mga paa.




After all, he deserves my wrath. Sabi nga nila, if a man does cheat on you, he may have his reasons for doing so. Pero tang-ina mo Anton! Isa kang malaking bulate! And fuck whatever your reason is. Because that sh*t doesn't work on me anymore. 



"Pretty, please? Why don't you try it first. Ilang beses mo na akong tinatanggihan," anito. 





"Probably, because I'm busy at work."



Awtomatikong napakunot-noo ako at napatigil ang paghakbang ko sa narinig. 

Napakamot sa ulo ang binata at may lambing na pinakatitigan ang kaharap. "I know. Kaya nga inaya kitang lumabas. Just a simple dinner won't harm you. At isa pa, ako na muna ang bahala sa trabaho mo." 

What?

Sukat sa sinabi nito ay doon ko palang napansin ang suot nitong uniform. Bigla akong nagtaka dahil sa hindi inaasahan kong marinig na katugon mula sa kausap ni Anton. I crossed my arm at nagpasyang pagmasdan ito. Napahagod ako ng tingin sa kabuuan ng babae. Ayoko mang isipin na baka mali lang ang pagkakaintindi ko sa mga oras na to.


"I really like you, Eal. I never felt this to any other girls. Sa lahat ng babaeng nakikilala ko ay ikaw lang talaga ang itinitibok nito." As he pointed his left chest. "You are so beautiful. Amazing. And... and gorgeous woman. Just give me a chance and I will do anything, anything to prove my love for you." He said dreamingly. 




Dahil sa sinabing iyon ng binata, pabagsak na ibinaba ko ang mga braso. Nagsisimula na ring mag-unahan ang mga luha ko sa mga mata. Fuck! I should have listen Cressida, who told me he's an asshole. 



Scam! Di makapaniwalang napatawa na lamang ako sa kinatatayuan. Napapailing ang ulo ko habang paulit-ulit na bumabalik sa ulo ko ang mga salitang binitawan nito. Did he just say love? Akala ko ba like lang yon? Now I wonder kung ako lang ba ang niloko ng hinayupak na 'to. Tang-ina mo, Anton. Aktong susugurin ko na sana ang hinayupak na to nang biglang marinig ko ang kanina pa'y malamig na boses na iyon.






"I'm no cactus expert but I know an imbecile when I see one."


~~**~~

DISCLAIMER:

The following story is purely fictional. 

Copyright © 2023 by Acqua14

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or used in any manner without written permission of the copyright owner except for the use of quotations in a book review.

WARNING!

This is a girlxgirl (Lesbian) story.

So, It's you (FreenBecky)Where stories live. Discover now