Chapter 9

610 38 6
                                    

T H E A 


MUNTIK na akong mapatawa dahil sa naging reaksyon nito. Ang epic lang kasi nung mukha niya. Ang cute pala niyang pagtripan. Makikita mo kasi dun sa mukha niya yong kalituhan at pangungunot ng noo na para bang inaalisa pa niya kung tama o mali ba ang pagkakarinig nito. Idagdag pa ang mabilis na pangingisap ng mga mata nito. 






"What did you just say?" Napayakap ang mga braso, kalmado nitong tanong. Mukhang nakabawi na yata. 





Napakagat-labi ako. 





Nagtataray ba naman. Of all people ay ito lang talaga ang may lakas-ng-loob na tarayan at sungitan ako. "Nothing. What I'm saying is, khuṇ kảlạng cīb c̄hạn?"(are you wooing me?) Nakangising ulit ko pa. This is so much fun! Bigla rin na nawala sa isip ko 'yong inis ko para dito. Siguro sa ganitong paraan ko nalang gagantihan 'tong babaeng to. I'm about to enjoy myself for teasing her when she suddenly-







"Do you want me to?" Anito at inisang hakbang ang pagitan na'ming dalawa. Kaagad nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglaang pagkakalapit ulit ng aming mga mukha.





Pero ano raw?





"H-Ha?" Dahil hindi naman 'yon ang inaasahan kong marinig na sagot mula dito.








Sa naging reaksyon ko, ang kanina'y blankong mga mata nito ay nababahiran ng pagkaaliw. Unti-unti ring umaangat ang sulok ng mga labi nito at may tuyang inilapit pa lalo ang kanyang mukha. Habang nagpalipat-lipat ng tingin ang mga mata nito sa mga mata't labi ko.








Napahigit ko naman ang paghinga. Sa mga sandaling ito, sa 'di malaman na dahilan ay para akong aatakihin sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.







"Asa. You're not even my type." Bulong nito sabay layo sa 'king harapan.






Napasinghap, napaawang ko ang aking bibig. Did she just say-






"Yah!" Sa inis ko ay naibato ko pa rito ang hawak-hawak 'kong bulaklak. The audacity! Aba! Sa ganda 'kong to?






Mapang-asar lang ako nitong pinapaalis gamit ng mga kamay nito. "Go away, kid."






Talaga naman-






Naniningkit ang mga matang pinagkrus ko ang mga braso sa 'king harapan  habang inaalisa ko pa rin ang mga sinasabi nito. Parang may mali e. Nang bigla ay may nagsink sa utak ko. Awtomatiko, nanlaki agad ang mga mata ko. Oh, God! Is it possible?




Bigla pa akong nakaramdam ng panginginit ng mukha. Literal na 'yon talaga ang pumapasok sa utak ko.






"So, uhm. You mean... y-you like girls t-too?" Kinakabahang tanong ko.







Wala sa 'kin ang mga tingin nito pero alam kong naririnig niya yong sinabi ko kahit na medyo mahina lang 'yon. Katulad nito, nakatingin rin sa baba at malawak na field ang mga mata ko.





"Too?" Kunot-noong sabi nito.







"Too- Ha?" Pati ako ay nagguguluhan na rin sa mga lumalabas sa bibig nito. Anong too? Ang layu-layo ng mga sinasabi ko sa kanya.







Nang ma gets ko kung para saan yon. Pinanlakihan agad ako ng mga mata. Animo'y may mga kabayong nagsitakbuhan sa dibdib ko.







So, It's you (FreenBecky)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن