Tumikhim si Irish at nagsalita. "Ehem. Hindi lang naman sa kanila ang engagement party na to ah?" Nakataas kilay nitong wika.

Hehe. Bale pinagsabay na rin naman ang engagement party naming dalawa. Dalawa kaya sa pamilya nila Harold ang ikakasal. Kaya nga pumayag sila Mama na pagsabayin kami para less gastos.

"Feeling kasi si Warson eh. Haha!" Biro ni Harold.

Bilib din ako sa dalawang 'to eh. Hindi mo aakalain na magiging sila rin talaga hanggang sa huli. May forever nga talaga.

Matapos ang ilang taon na pagkakawalay sa isa't isa ay handa na nilang harapin ang mga pagsubok ng magkasama. I'm very happy for my cousin kahit hindi halata. Hindi na kasi siya magiging masungit na president dun sa Lee University kung sakali.

"Teka? Sino nga pala ang mauunang ikasal sa inyong dalawa?" Rosas asked.

Nagkatinginan kami ni Harold at nagtawanan. Dati kasi ay pinagaawayan pa talaga namin dalawa 'to. Hindi naman kami pwedeng sabay na ikasal dahil magiging sukob daw. Tss. That old superstitious beliefs. Kaya kahit ayoko ay pumayag na akong mauna silang ikasal ni Irish dahil mas nakakatanda naman si Harold kesa kay Maegan.

At saka, lahat naman ng bagay ay hindi dapat minamadali. Nakapaghintay nga ako kay Maegan ng ilang taon. Isang taon pa kaya na pagpaplano para sa kasal namin? Tss. Isang maliit na bagay.

"Si Harold." Tipid kong sagot. Ininom ko ang wine na sinerve sa amin ng waiter. Tinapik naman nila ito sa balikat.

"Wow. Congrats. Di ka naman talaga excited na ikasal kay Irish my loves ko noh?" Hirit ni Rosas. Nakatikim tuloy siya ng super talim na titig ni Harold.

Kamusta si Rosas? Ganun pa rin. Matapos ma cancel yung kasal nila ni Gumamela ay bumalik na siya sa pagiging maloko niya. May plano atang maganda ang diyos para sa kanya kaya hindi ito natuloy. Balita ko ay buntis rin ang Gumamela na yun kaya umalis ng bansa para makalayo layo.

Nakakalungkot nga lang isipin na walang happy ending ang love life niya na yun. Dun pa lang kasi nabaliw si Rosas eh.

Nauwi sa kulitan at asaran ang kwentuhan namin. Simpleng party lang naman ito na pinuntahan ng malalapit na pamilya at kaibigan ng magkakabilang partido.

Kahit ikakasal na kami ay hindi naman namin makakalimutan ang pagkakaibigan na nabuo sa Lee University. Siya nga pala, dito rin sa University hotel namin napili ang venue para sa engagement party. Maayos naman ito at hanga ako sa talinong taglay ng pinsan ko. Now I believe in what they always say, small but incredible. I salute you Irish!

"Cheers guys!" Sigaw ni Maegan na nagpabalik ng isip ko. Itinaas namin ang mga baso namin at nag cheers. Sana ganito nalang kami palagi. Masayang masaya.

Dati.

Mga maloko lang kaming mga estudyante na pinoproblema ang love life dahil sa kalandian kesa ang pag aaral. Mabuti nga hindi kami bumagsak dahil kahit ganito kami ay grumaduate pa rin kami bilang Cum Laude. Pwera nga lang kay Harold kasi matalino talaga yan.

Salamat nga at hindi naging boring ang High school at College life namin. Salamat sa mga fan girls na walang sawang tumangkilik sa walang hanggang kagwapuhan namin.

"Kuya? May regalo para sa inyo oh." Nalipat ang tingin namin sa hawak na regalo ni Alexia. Tumigil kami sa pagtatawanan at natahimik na napatingin sa misteryosong box na ito.

Dahan dahan namin itong binuksan at tumambad sa amin ang isang papel at apat na black rose.

Happiness are just temporary.
Sorrow and death will replace it all.
Soon.

Walang nakapagsalita sa aming lahat pagkatapos nito. Lahat ay nakaramdam ng takot. Lahat ay hindi mapakali. Naramdaman ko ang panginginig ni Maegan sa tabi ko. Inakbayan ko siya at hinapit palapit sa akin.

"I-is this some kind of sick joke again?" Pambabasag ni Rosas ng katahimikan. Sinundan niya ito ng awkward na tawa.

Kinuha ni Harold ang apat na rose at itinapon ito sa basurahan.

"C'mon guys! Let's party! Think about today!" Masayang wika ni Sandrex at tuluyan ng nag ingay.

"Kaya nga! Remember the quote "Live your day happy as it is the last?", Party party na!" Sigaw muli ni Rosas.

Wala na kaming nagawa ng nagsimula ng tumugtog ang mapaglarong musika. Tumayo kami at pumorma ng bilog sa gitna ng dance floor. It's our night, hindi dapat namin ito sayangin ngayon.

Let's cherish the moment of present time.
Forget the past and worries in the future.

Yun lang naman ang mahalaga ngayon. Bukas nalang namin haharapin ang bagong problemang darating.

------------

The end.

See you on its Part 2 ( The Chickboys) . Posted na po!

Expect the new character and problem they will all be facing.

Unedited pa po itong lahat. Kaya I know, you'll discovered a lot of errors. I'll edit this once my brain and heart told me so. Cheka lang! ❤❤✌

Well, originally. I got the protagonist name from my brother itself. I'm very fond of his name kasi and his self proclaimed kagwapuhan daw. That's why I made his story. Some of the scenes are true. Others are imagination lang. Haha!

He even gave me the name of her ideal girl. Pati name ng friends niya. I also used my cousin's name. Wehehe.

Anyway, thank you ulit for the support! From the first time I've decided to publish it here in wattpad up to last update. Walang hanggan na pasasalamat para sa inyo.

Hugs and Kisses.
Redbons.

Pahabol na mensahe : Kitakits sa bagong kalandian at trip ng grupo nila Warson. (Flying kiss!)

Mr. Chickboy (Completed)Where stories live. Discover now