16 - Portal to Breakable Trust

2 0 0
                                    














"Shinoo!" I screamed nang ma-realize ko na si Shinoo yung nabaril ni Zosia and much worse, accidental pa! Pupunta na sana ako sa gawi nila pero pinigilan ako ni Yorish.





"Wag." sabi niya.





"Anong 'wag? Yorish, kita mo naman siguro kung nasaang sitwasyon tayo ngayon, diba?"





"Delikado—"





"Hindi! Let me have my own business!" inis kong anas at dumeretso na kina Zosia na malapit nang mag-umbagan.





"Zosia—" hinila niya agad yung kamay ko nang hahawakan ko na ang braso niya at itinutok sa akin ang baril na hawak-hawak niya ngayon, carelessly.





"Sige, subukan mo! Hindi ako ang makakalaban mo kundi ito!" singit niya, dahilan para maging alerto ako kasi nakatutok sa'kin yung baril and anytime, pwedeng-pwede niyang iputok 'to sa'kin.





"Zosia... You are a policewoman, you... you should be a role model!" dugtong ko ulit habang dinidistract siya, slowly pacing at Shinoo. Dahan-dahan akong naglakad patungo kay Shinoo at nang malapit na ako sa kaniya, hinablot ko na siya kaagad.





"Puta ka talaga!—" hindi na naputok pa ni Zosia ang baril niya sa'kin nang bigla siyang hablutin ni Dazirene, patakbo sa hindi malamang direksyon.





"Zosia!-"





"Hayaan mo na, let that envious lady be killed. She's... she's also a monster just like your sister, Dollibae." malumanay na sambit ni Shinoo, nakasandal sa balikat ko habang nakaupo sa mga tuhod ko. Tinignan ko na lang si Shinoo, nanghihina dahil sa bala na tumama sa kaniya sa tiyan niya.





"Okay ka lang ba?" I concerned pero hindi siya sumagot. Inilagay niya lamang ang kamay niya na naka-shape ng kamao sa noo niya.





"Obvious ba?" mabilis niyang sagot nang nakakunot ang noo. Hindi ko napansin pero nilagay niya ang kamay niya sa banda kung saan siya natamaan ng bala kanina ni Zosia.





Ngumiti lang ako sa tanong niyang 'yon, his sassy attitude came back and much better, he came back. I missed every single aspect of him kahit na ilang araw lang naman siyang nawala pero this... this is about someone's intimacy, a friendship's closeness. That's how I want my friendship to be like.





"Anong ginawa sa'yo ni Zosia?" biglaan kong pagtatanong, dahilan para malukso ang ulo niya sa gulat na nakahaling sa akin. Humindi lamang siya sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo niya. Ayaw niya sigurong pag-usapan... well, as someone who also experienced this kind of thing which I became traumatized of as well, siguro, mabuti nga kung pagpapahingahin muna natin si Shinoo ngayon. Hindi ko na ulit siya kinausap ngayon na nasa hita ko siya at sinusubukang tiisin yung sakit na dinulot nung pagbaril ni Zosia.





Tumingin ako sa paligid, lahat... lahat kami naandito na. Yorish was like the... the key for all of us to unite together. Simula nung araw na nakita ko siya, sumunod si Zosia at saka itong si Shinoo, then there was my sister Camilla who brought herself here into the forest kasama sina Indigo at Ella. Sadly, I witnessed once again a sad moment where Elijah was getting slayed by my own sister which made me hit back a memory of Jaevier, getting killed in front of me. Masakit pa rin yung mga hindi inaasahang nangyari nung nakaraan pero hindi ko hahayaan ang mga 'yon na kontrolin ako nang buo, na kontrolin ang buong pagkatao't asal ko... dahil kung kinaya ko dati, kakayanin ko ngayon.





Diplomat Hotel II : CarnivalWhere stories live. Discover now