12 - Best Reunion

7 1 0
                                    














Matagal-tagal din akong naghintay dito sa kung anumang lugar tong pinagpupuwestuhan namin ngayon bago magising si Yorish. Ngalay na ngalay pa nga rin yung braso ko kabubuhat sa kaniya kanina habang naglalakad sa perya para makapaghanap ng matutuluyan. Sakto pa ngang pagkagising ni Yorish, niyakap kaagad ako, humihikbi nang sobra. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan kasi puro iyak lang talaga yung naririnig ko, e, wala talaga akong maintindihan nung oras na mga 'yon.





- 12:56 PM, earlier ago -





"Ugh! Ang bigat." bulong ko sa sarili ko matapos kong ibaba si Yorish sa tabi ng upuan. Nakahanap ako ng puwesto pero... medyo maliit-liit lang.





Umungol ulit ako nang matamaan ang daliri ko sa paa ng upuan, napasigaw din ako sa hapdi. Ang sakit! Ilang minuto pa ang lumipas, napagdesisyunan ko nang pumunta sa tabi ng walang malay na si Yorish. Hinimas-himas ko ang ulo niya, sumasama pa nga yung buhok niya, mapawis-pawis pa.





"Anong nangyari sa'yo...?" tanong ko sa sarili ko. Tumulo na ang kaisa-isa kong luha sa kanan kong mata, dumeretso sa pisngi ni Yorish na kalaunan, umagos din papunta sa semento.





"Sorry." hikbi ko.





"Sorry, wala ako. Sorry... sorry, hindi kita naligtas. Dahil... dahil sa'kin 'to, e. Dahil, dahil sa'kin 'to..." mahina kong iyak habang hinihimas nang dahan-dahan ang noo niya gamit ang daliri ko. Dinilaan ko ang bibig ko kasi umabot na rin dito yung luha ko, maalat-alat.





Ilang oras pa ang nakalipas, nakita kong dumidilat na si Yorish paonti-onti kaya agad kong ibinaba ang ulo niya mula sa pagkakapatong sa hita ko at saka hinugasan ang baso na nakita ko gamit ang tubig ko sa lalagyanan ko at saka nilagyan na rin ng tubig pagkatapos.





Iniabot ko 'to sa kaniya nang gumising siya pero hindi ito ang pinuntirya niya kundi ako, niyakap niya ako nang mahigpit, humihikbi. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at sumabay na rin sa iyak niya.





"Sorry, Yorish. Pagpasensyahan mo na ako. Sorry." sabay ko sa kaniya.





- Present Time -





"Kailangan muna nating hanapin sina Ylaijah at saka si Indigo bago natin hanapin si Dazirene. Mahirap gawin pero madaling sabihin, Yorish." huminto muna ako sandali at tumingin sa kaniya nang malalim bago ituloy ang sinasabi ko.





"Papatayin natin si Dazirene. Pagtutulungan natin siya." matapang kong dugtong. Tumango-tango lang siya habang nagkakandagulo-gulo sa kaiiyak.





- Ylaijah's POV -





"Zosia, Zosia!" kalabit ko sa kaniya sa tabi ko. Nahihirapan pa rin akong makagalaw kasi mahigpit kaming nakatali rito sa malaking balde.





Nagising naman siya kaagad at tumingin sakin nang nakayamot.





"Ano?" bulong niya. Inilagay niya ang isa niyang daliri sa bunganga niya nang nakatayo, sinisignalan ako na 'wag maingay.





"Baka marinig ka ni Dazirene, ang kulit mo talaga." she mouthed.





"Wala si Dazirene. Kaaalis niya lang. Nakita ko siyang badtrip kaya baka may tinatarget 'yon ngayon. Kailangan nating makalabas ngayon, hanapin natin sina Yorish." sagot ko naman. Nag-react kaagad siya by briskly standing up at inayos ang kwelyo ng polo niya. Kinuha niya ang baril niya na nakatago sa ilalim ng unan niya at nilagay sa bulsa niya.





Diplomat Hotel II : CarnivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon