9 - Spare me One Thing

5 0 0
                                    














"Yan, yan ang dapat sa'yo!" sigaw ni Ella matapos niya akong sampalin habang hinahawakan ang baba ko nang agresibo.




"First things first, Camilla. Haha, you think makukuha mo loob ko by sympathizing our Dad? Oh, c'mon!" bago pa niya ituloy ang sinasabi niya, sinakmal na ako nito.




"Be for real, sister. Uh-oh, no, no, I mean, stepsister! Haha, I don't think I'll be able to accept you as my sister." dugtong niya at saka ako sinuntok.




"Camilla." tawag niya sa'kin at saka mas itinaas pa ang baba ko, nakaharap na sa kaniya. "You owe me no one." dugtong niya saka inihawi ang ulo ko. Wala akong nagawa kundi lumuha at umiyak sa mga pinaggagawa nila kasi... hindi ko, hindi ko inaasahan na matraydor sa gantong paraan. I... I accept my death... this way.





Hindi ko napansin na nanghihina na ako. dahilan para mawalan ako ng malay.












- Dollibae's POV -












Umaalingaw-ngaw ang boses ko, kakasubok makawala sa kadenang nakatali sa'kin. Mahapdi, masakit, makirot. May sugat pa nga na umaagos paibaba ng tiyan ko dahil sa magaspang na istraktura nito, nakapulupot sa tiyan ko.




Sinubukan kong ibaba ang kadenang nakaipit sa gilid ng tiyan ko pero malaking hiwa ang idinulot nito, dahilan para makapaglabas ako ng malakas na ungol sa sobrang hapdi. Kinuha ko kaagad ang tela na nakapatong sa lamesa sa tabi ko para itakip sa hiwa at maiwasan ang blood loss kung tinatawag, baka ito pa ang maging dahilan ng kamatayan ko.




"Hindi ko na kaya...!" pigil na pigil kong pagbulong sa sarili ko matapos ang insidenteng 'yon. Ilan pang mga minuto, nakaya ko namang matanggal ang kadena na nakapulupot sa akin. Onti-onti akong tumayo habang ramdam na ramdam ko pa rin yung kirot. Hinawakan ko na muna pansamantala ang tiyan ko na may nakapatong na tela para mas maging mahigpit pa ang kapit nito.




I started to gradually walk towards the exit, nakikita ko na yung liwanag pero nagdidilim naman ang paningin ko, it's like... I'm about to fade out. Nararamdaman ko ang panghihina ko pero sinusubukan ko pa ring maglakad hanggang sa hindi ko na makontrol ang sarili ko't nabitawan ko ang tela na iniipit ko sa tiyan ko, dahilan para umagos muli ang nagraragasang dugo. While I was walking with a quasi opened eyes, bigla na lamang akong natumba dahil sa hina ng resistensya ko.




Ilang oras na ang nakalipas, onti-onti na muling bumubuklat ang eyelids ko, dahilan para makakita ako ng aninag. Ngayong nakabukas na ang mata ko, nakita ko na lang ang sarili ko, nakahiga sa isang patag na lupa, pinaliligiran ng puno. I wandered around pero wala akong makita na kahit anong sign ng anino. Pansin ko ring humupa na ang sugat sa tiyan ko, malaki kasi ang sugat na nakatanim dito, kita ko pa rin kung gaano kalalim pero kahit papano, wala nang tumutulong dugo.




"T-Tao..." I called out to any possible person around habang dahan-dahang tinatayo ang sarili ko. I groaned as I stepped up my feet, feeling the pain from my stomach which was really excruciating a while ago.




Hindi ako nakaririnig ng kahit anong bulong na sumasagot sa akin, which only means na walang tao rito sa pinaglulugaran ko.




"Tao...! Tulong!" sigaw ko habang naglalakad, hawak hawak pa rin ang parte ng tiyan ko na nasugatan kani-kanina lamang.




Maya-maya, nakarinig ako ng isang hindi matiyak tiyak na tunog sa likuran ko kaya lumikod ako pero wala namang tao. Nakaramdam ako ng matinding hapdi banda sa tiyan ko kaya hinawakan ko ito. Maya-maya, nakarinig na naman ako ng unidentifiable sound sa likod ko kaya't pagkalingon ko, laking gulat ko na may isang babae na nakatingin sa akin, may baseball bat na nakasabit sa likod, nakangiti sa akin.




Diplomat Hotel II : CarnivalWhere stories live. Discover now