1 - Reunion

29 1 0
                                    














I have screamed with anger, with revenge, with vengeance, and with fear. Bumabalik ako, nagbabalik ako. Ako si Dollibae Agapinay, itinutuloy ang aking istorya mula sa unang pahina.





"Taray, pak ganern! Ganiyan dapat pumorma, Dolli. Ayan, isuot mo tong stockings para ma cover up yang mga sugat mo sa hita. It's been ano na rin pala... almost 6 years since the killing spree's happened." banggit ng ate ko habang sinusukatan ako ng damit.





"Ate." tawag ko, dahilan para itigil niya ang pagsusukat. Inilapat niya sa akin ang kaniyang dalawang mata at nagtanong kung bakit.





"Kasi, natatakot pa rin ako. Hindi pa rin mahanap si Dazirene hanggan ngayon, knowing na last na pagkikita namin, she broke inside this house at ginising kaming lahat which only means na... nakatakas siya. Paano... paano kung pumapatay ulit siya pero, pero hindi lang pinapakita sa balita kasi... kasi, Ate-" itinaklob niya ng kaniyang kamay ang bunganga ko para makasingit siya.





"Tama na. Stop overthinking. Hindi mo alam kung baka nagbabagong buhay na yang kambal mo. Hayaan mo na-"





"Ate, anong hayaan? I can't! Ako yung paging nadadawit sa mga pinaggagawa niya and I... my conscience could not take it anymore. Lagi akong nakokonsensya, ako lagi yung naiipit!" singit ko.





"Okay, sige. Ikaw na bahala sa sarili mo basta umattend ka na sa birthday ni Yorish. 25th birthday niya ngayon, nukaba! 'Wag ka na magpaka-stress diyan, saka na yan." muling sagot ni Ate, inaayusan ako. Ngumiti siya sa akin at nagbigay ng signal na pwede na akong lumakad kaya nagpaalam na rin ako at bumyahe na papunta sa riverbanks sa Marikina.





Pagpunta ko roon, dumeretso agad ako sa dampa na nakakapanibago ngayon. Mas lumaki, mas gumanda at siyempre, mas naging mahal yung pagkain. It's been so long din since I filled my stomach with these extravagant foods from here kaya susulutin ko na. Habang umiikot ako sa loob ng dampa, nakita ko na si Yorish, Zosia, at si Ylaijah sa isang table, kinawayan ko sila sabay ng pagkaway nila sa akin.





"Dollibaeeeeeee!" malakas na sigaw ni Yorish sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin pabalik nang may ngiti.





"Dolli, I've missed you so much! It's been a long time, wow! Six years in the waiting ha, sobra ka." hinampas ako ni Ylaijah nang manipis at niyakap din.





"Wala pa si Shinoo?" tanong ko at umupo na sa upuan sa tapat nina Ylaijah at Zosia. "Siya talaga yung palaging late kapag may meet up tayo 'no. Happy birthday pala, Yorish." dugtong ko.





Bago pa makapagpasalamat si Yorish, may humampas sa akin sa likod ko. Pagkalingon at pagkalingon ko, nakita ko si Shinoo, nakakunot ang noo. "Hoy, rinig ko may sinasabi ka tungkol sa'kin?" Itinaas nito ang isang kilay niya at umupo na rin sa tabi ko at sumunod ang mahinhin niyang tawa.





"Wala, wala, pero totoo naman, ah?" pang-aasar ko.





"Hoy, anong totoo? Duh!" pagtataray nito na sinuklian namin ng mga nakagagayak na tawa.





Nang makaupo na ako nang maayos, may lumabas na mga babae sa likod ni Yorish nang hindi niya napapansin. May dala dalang malaking cake galing red ribbon at saka sinurpresa si Yorish.





"Happy birthday, Yosh!" maligayang bati ng mga 'to. Nagulat pa nga si Yorish kasi unexpected naman talaga. Siguro mga ka workmate niya 'to.





Diplomat Hotel II : CarnivalWhere stories live. Discover now