6 - Separated Path

6 0 0
                                    














"D-Dolli, this is what's you've done...! Put out your gun, we'll kill this people." sigaw ni Zosia. I inhaled my breath really hard. Pinatataas nila ang mga kamay namin para ibaba yung mga kagamitan namin. Ibababa ko na sana pero biglang nagpaputok ng baril sina Zosia kaya, nilabas ko na rin yung akin. Nagpaputok ako pero sa taas ko pinapatama, hindi sa mga officials.





Bigla na lamang pumunta sa akin si Zosia at ginabayan ang kamay ko, tinutok sa isang opisyales at... at pinaputukan. Laking gulat ko nang mangyari 'yon.





"Anong... anong ginagawa mo?!" kabado kong sigaw habang nanginginig ang mga kamay ko, nabitawan ko pa nga yung baril na hawak hawak ko.





"What do you mean? Get that fucking gun at patayin mo na yang mga yan!" galit na saad ni Zosia. Onti-onti akong lumuhod para kunin ang baril habang nangingiyak-ngiyak sa sitwasyon na kinahaharap ko ngayon, nagsisisi ako na sumama pa... nagsisisi ako! Ilang segundo pa, nakuha ko na ang baril at nang may papalapit sa akin na isang tagabantay, naputok ko nang hindi sinasadya ang baril ko... dahilan para sumigaw ako nang malakas.





"Dollibae!" Ylaijah yelled while pointing on something at nang sundan ko ng tingin yung tinuturo niya, nakita ko ang isang opisyales na may hawak hawak na baril, nakatutok sa akin. Hindi ko mapindot ang trigger ng baril, kinakabahan ako, nanginginig ako, natatakot ako. Pumikit ako para bumwelo, pigil na pigil ang boses kong gusto ng sumigaw at saka ko napindot ang trigger. Sumigaw muli ako dahil sa takot.





"Y-Ylaijah, ayaw ko na..." iyak ko habang si Ylaijah, tumingin lamang sa akin at nagbigay ng thumbs up bago bumalik muli sa pagpapaputok ng baril. Lalong... lalong dumadami ang mga opisyales, hindi ko alam kung makakasurvive ba kami o dito na kami mamamatay. Hindi... hindi pwede kasi ililigtas pa namin si Yorish, kailangan naming iligtas si Yorish!





Pagkaharap ko sa kanina kong direksyon, may armadong lalaki ang lumapit sa akin at nagtanim ng saksak sa kanan kong braso kung saan nakahawak ang baril ko. Hindi ako makasigaw kasi agad nitong tinakpan ng panyo ang bunganga ko nang sobrang higpit, hindi naman ako makita nina Zosia kasi nilalabanan nila ang mga opisyales nang nakatalikod sa akin. Pilit kong ginagamit ang kaliwa kong kamay para kunin ang baril pero lumilihis ito palagi. Patagal nang patagal, mas humihigpit ang pwersa ng kamay ng armadong lalaking 'to sa bibig ko, para maiwasan ang suffocation, siniko ko ang private part niya at... at siniko ang bibig niya, dahilan para maiwasan siya sa pagkapulupot sa akin pero agad nitong tinakpan ulit ang bunganga ko, mas mahigpit ngayon.





Pero huli na siya, nakuha na ng kaliwang kamay ko ang baril, kanina pa. Ipinuwesto ko ito sa tiyan ko, nakatapat sa kaniya at pinutok ang baril, causing a huge pile of blood to splatter around me. As I look down at my hands, full of blood, I cannot help but to cry, but to be filled with fear. Tumingin sa akin sina Zosia sa putok na 'yon kung kaya't tumakbo na rin ako papalapit sa kanila.





Ilang minuto pa't natapos na ang putukan, none of us got harmed except my right arm that got stabbed earlier ago.





"Dolli, are you okay?" Zosia concerned. I answered with a hesitant nod. Tumingin muli ako sa mga kamay ko, punong-puno pa rin ng dugo, umaapaw pa rin sa palad ko, bakat na bakat pa rin ang memorya kung paano napunta ang mga dugo dito sa kamay ko. Hindi ko namalayan na tulala na pala ako, dahilan para iawagayway ni Ylaijah ang kamay niya sa harap ko, causing distraction.





"A-ay." I spoke as I was flustered. Inimbitahan ko na lamang silang lumabas na sa kabilang exit kung saan papunta na sa mga palay, papuntang carnival.






Diplomat Hotel II : CarnivalWhere stories live. Discover now