3 - Start of the Beginning

5 0 0
                                    














I gasped and gasped repeatedly, feeling every inch of my heartbeat. Bumigat ang dibdib ko nang mapanaginipan ko 'yon. Nandito na naman ako sa phase na napapanaginipan ko si Dazirene, anong pinapahiwatig nito? Pansin ko ring pinagpapawisan ako pagkagising ko, nakapatay yung electric fan at walang ilaw yung lampshade sa tabi ko. Paktay, brownout yata.





"Ate, ate!" sigaw ko. Walang nagrerespond kaya lumabas na ako ng kuwarto ko. Buti na lang at umaga ako nagising kasi baka bangungutin ako nang gising kapag gabi tapos ganito ang maaabutan ko.





Pagkalabas ko ng kuwarto, ang dilim sa paligid. Nakalimutan ko pa ngang kunin yung cellphone ko sa maliit na drawer sa tabi ng kama ko. Nagpasya na akong bumalik pero sa bawat hakbang na ginagawa ko, nakararamdam ako ng kaba at hindi mapaliwanag na takot. Ginawa ko ang breathing exercise. Huminga ako nang malalim at ibinuga ko rin pagkatapos.





Huminga ako nang malalim at ibinuga ko rin pagkatapos.





Huminga ako nang malalim at ibinuga ko rin pagkatapos.





Huminga ako-





"Hoy, Dollibae, anong ginagawa mo rito sa labas ng kuwarto mo? Kala ko sinasaniban ka na, e. Tara na, mag-aayos pa tayo doon sa burol ni Papa sa garahe." gulat ko nang sumingit si Ate sa gitna ng breathing exercise ko. Papaalis na si Ate pero hinila ko ang kamay niya.





"Ano?" bulong niya. Humindi na lamang ako, dahilan para ikunot ang noo niya at idinikit ang mga kilay niya. Dumeretso na kami sa burol ni Papa at bumungad sa amin ang presensya ni Indigo.





"Indigo, napunta ka rito." bati ni Ate habang ako, umupo muna ako sa upuan na nasa tabi ng kabaong ni Papa.





"Ah, nag-away na naman kasi sina Mama pati yung current husband niya and I could not take it anymore." agad na sagot ni Shinoo. Sumulyap pa nga sa akin ito at nagbigay ng irap.





"Ito pala, I bought flowers, alay ko rin para kay Papa." dugtong niya.





"Dollibae, pakikuha nga muna ito, kukunin ko lang yung mga biscuits sa kusina. Salamat in advance." utos ni Ate kaya't tumayo kaagad ako at kinuha ang bulalak tapos ipinuwesto sa ilalim ng kabaong ni Papa. Bumalik ako sa upuan at pansin kong malalim pa rin akong tinitignan ni Shinoo. May pattern pa nga, mula ulo pababa sa paa.





He left a deep sigh that caught my attention. Nagkunwari lang akong tumitingin sa labas pero tumitingin talaga ako sa gawi ni Indigo. He sarcastically coughed, may sinasabi siguro siyang hindi ko maintindihan.





"Dollibae Agapinay." buong sabi ni Indigo. Tumayo kaagad ako at inihawi ang tingin ko sa kaniya.





"Bakit?" mahinahon kong pagtatanong.





"Wala or maybe it's just that whenever I look at you, I think of something hideous." pagbabara nito. I just gulped myself down and asked him another why.





"Why? Well. Do you really want to know? I might sound offensive kasi, you really irritate me a lot." muling sagot niya. I tried to answer back in a respectful way, ayaw ko ng gulo kasi wala naman akong ginagawa sa kaniya pero... parang ang laki laki ng kasalanan ko.





"Tanong ko lang Indigo kung... kung may nagawa ba akong masama para magalit ka sa akin nang ganiyan kalala? Mawalang galang na kasi, nananahimik ako. Hehe." dinugtungan ko ng malumanay na tawa sa dulo para magmukhang nakikipag-usap lang ako nang masinsinan pero matanggapin sa mga maaaring isasagot niya.





Diplomat Hotel II : CarnivalWhere stories live. Discover now