2 - Comeback

11 1 0
                                    














"Tahan na." mangiyak-ngiyak na saad ni Ate, nasa tabi ko, sa labas ng ospital, umiiyak kasabay ko.





"Paano ako tatahan, Ate? Everyone... Everyone who I loved the most just... just left me! Pati ba naman si Papa, hindi na nila pinalagpas. Ate... ate, hindi ko na kaya, h-hindi ko na kaya." emosyonal kong sagot habang hinihimas niya ang likod ko at pinupunasan niya ang mga basa niyang mata ng panyo. She then looked at me with teary eyes and pulled up my chin, caressing both of my cheeks.





"Dollibae, kailangan na nating tanggapin na lahat ng tao sa mundo ay hindi permanente. Don't worry kasi kahit ako, nasasaktan, nalulungkot, naiiyak na wala na si Papa but still, ang kailangan nating gawin ay manatiling maging positibo sa buhay, okay? Tahan na, tahan na. Kakayanin natin tong dalawa, ang mahalaga, nabubuhay pa rin tayo kahit na pinapatay na tayo ng mundo." sambit niya as she caress my cheeks which made me burst my tears even more. Every time, every time na lang. Natatakot na akong magkaroon pa ng bagong minamahal, ng bagong mga darating dahil kung dati, sa insidente, iniwanan ako ni Jaevier dahil sa baliw kong kambal, hindi na ako magtataka kung susunod na pati mga kaibigan ko.





I'm... I'm lost... in this field.





"Condolence, Dollibae." ani ni Yorish at niyakap ako.





"We're very sorry for your loss. We're here for you, forever." nakangiting sabi ni Ylaijah at sumunod na rin si Shinoo, niyakap din ako.





I could not feel their warmth. I don't know if it's because sanay na akong mawalan ng minamahal or dahil sa hindi ko pa masyadong tanggap itong pagkawala ni Papa. I... I did my best to relocate each memory we have but... but this feels just sucks as it makes me very numb. Wala akong maramdaman. Hindi ko maramdaman ang pighati pero kumikirot ang puso ko, sobra.





"Upo kayo." malamig kong sabi. Nagsiupo naman silang lahat kaya sumunod na rin ako.





"Lahat na lang... lahat na lang iniiwan ako." malamig ko muling sabi, dahilan para bigla akong yakapin ni Yorish sa tabi ko.





"No, no, no, no. It's normal that one day, everyone who you loved would leave you kasi hindi naman tayo permanenteng tatayo rito sa mundo at hihinga. We need to accept God's plan, Dolli-"





"God's plan?" singit kong tanong na tinanguan niya naman.





"God's plan, Yorish?" dagdag ko pero hindi na siya sumagot while the other two just looked down.





"Yorish, I... Pinagkatiwalaan ko ang Diyos, pinagdasal ko na sana gumaling si Papa pero anong ginawa niya? He still... he still chose to make me suffer another loss, make me, make me sorrow another lifetime loss! Like, I cannot endure it anymore. Yorish, Yorish... If God is true and he exists, why would I suffer? Why... why would he take Dad from us this early? I... I put every sacrifice to hold this faith I have in Him but... but anong nangyari, Yorish? I never got anything. I never..." hindi ko na natuloy ang mga sinasabi ko dahil sa bugso ng nadarama ko. Tuluyan na akong umiyak sa harapan nila, dahilan para pumunta sila sa akin, pinatatahan ako pero walang epekto. Bumibigat pa nga lalo ang dibdib ko.





"Shhh, shhh. Tahan na, tahan na. Everything will be fine, everything will be alright. Matagal nga lang ang hinihinging panahon for you to heal but we'll make it up for you, we'll help you get through this kaya tahan na, Dolli. Tahan na." mahinahon na sabi ni Yorish. Wala pa rin, humihikbi pa rin ako. Patuloy pa rin akong humihikbi kahit na nagtitinginan na ang mga tao na nakikiramay, wala na akong pakielam.





Diplomat Hotel II : CarnivalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon