11 - Jaevier's Sister

9 0 0
                                    














Tini-tip tap ko ang mga daliri ko sa paa habang dahan-dahang naglalakad malapit sa natutulog na si Yorish. I smiled as I come near her. I gently rubbed my finger through her legs hanggang sa bigla siyang magising and started to hysterically scream.





"Lumayo ka sa'king halimaw ka, lumayo ka!" Yorish screamed in behalf of my presence which I just replied with a sarcastic laugh as I smile at her deviously.





"Yorish naman, apaka-oa nito. I'm just here to make sure na buhay ka pa, baka kasi mag-hysterical din si Dollibae once na makita ka niya ditong naka-handusay." I sarcastically stated which really angered her more.





"Walang hiya ka! Walang hiya ka, walang hiya ka, Dazirene. Napaka-demonyo mo, desperada!" sunod-sunod niyang pagbitaw ng mga balasubas na salita kaya nagalit ako. I stomped my feet aggressively at lumapit ako sa kaniya, mukha sa mukha.





"Remember this, Yorish. I may not be a normal person like you are na may matinong isip pero kapag napag-desisyunan kong magtino, aba, baka mas patay ka pa sa patay." banta ko at hinawi ang mukha niya nang malakas, causing her to hit the hard surface of her wooden bed. Pinagkasya ko na siya diyan, well at least, para man lang ma-appreciate ako ni Dollibae, na despite of this lady, trying to betray her before by taking Jaevier, hindi ko pa rin siya pinatay and that's a nice thing about me, haha. Na-kokontrol ko naman sarili ko, masyado lang atribida mga kasama ni Dollibae kaya napapadalos-dalos ako.





I have no time to change myself because I know for sure this side of me does not actually exist, it's just a phase.





- Dollibae's POV -





"Hayaan mo na kasi akong hanapin si Dazirene, 'wag ka na ngang sumama. Mamaya, madamay ka pa, e 'di napahamak ka pa. Kailangan na rin kasi nating mag-ingat ngayon, mas naging brutal si Dazi-"





"SHUT. THE. FUCK. UP. Pwede ba? Nakakarindi yang boses mo. At hindi, hindi ako papayag na ikaw lang. Hanggang ngayon, hindi ka pa rin pala nagbabago. Ang selfish mo pa rin." gigil na gigil na pag-cut off sa'kin ni Elijah. Lumingon pa nga siya sa'kin kasama ng mala-tigre niyang tingin.





"Sorry." kaisa-isa kong sagot sa malumanay na tono.





"Alam mo, 'wag ka na lang magsalita, please lang." sabi niya sabay ng paglingon niya sa akin at saka ibinalik kaagad ang pace niya sa harap.





"Nakakairita kasi. Ni kahit mag-sorry ka o hindi, malaki pa rin galit ko sa'yo." dugtong niya na ikinalungkot ko naman nang onti kasi parang... parang bumabalik yung nararamdaman ko mula nung pinagtulungan nila ako nang patayin ni Dazirene isa-isa yung mga biktima six years ago.





Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy na lang maglakad kasama siya. Ilan pang mga hakbang, naka-punta kami sa perya. Bigla ko na lang naalala kung gaano ka-nerve-wracking ang naidulot sa amin ng mga kaibigan ko, saktong pag-apak namin sa lugar na 'to. Putukan sa kabi-kabilang dulo, may napuruhan pa nga pero buti sa tuhod lang. Ang mahirap, hindi ko na alam kung nasaan na sila ngayon. Kung... kung buhay pa ba sila o... o hindi ko na naabutan kung ano ang huling sinalita nila. Dahil... dahil 'to sa akin, kung hindi lang na-kidnap si Yorish, hindi kami mayayari rito. Nakaka... nakakapanlumo.





"Ano? Hindi ka dederetso? Ayun oh, sapul ang kambal mo." ani ni Elijah, dahilan para ma-interrupt ako at makita ang tinuturo niya. Si Dazirene, pumasok sa isang napaka-liit na bahay at halatang masikip.





Diplomat Hotel II : CarnivalWhere stories live. Discover now