Chapter 36

2 1 0
                                    

Hanaya's POV

"Hana please, let's talk. I want to understand you. Please tell me, ano bang dahilan? dahil ba 'to sa mga nagawa ko sa 'yo noon? please, Hana I'm sorry" pangungulit ni Tris but I just snob him


"Yes, narealize kong ayoko na pala sa 'yo so please leave me" pagtutulak ko sa kanya palayo kahit pa't sobrang nasasaktan na 'ko



"Don't lie to me, I can see that you're still in love with. Ano ba kasing problema mo?" he said desperately




"Tigilan mo na 'ko! I don't want you anymore!" I shouted at mas binilisan pa ang lakad papuntang room. Walang pake kung pagtsismisan man ako ng mga estudyante dito




"Psh, that's absurd Hana" he said at hinawakan ang braso ko. Tinignan ko naman siya ng masama at pilit inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko but he's much stronger than me kaya 'di ko natanggal. Hinila niya 'ko papunta sa isang vacant room at ni-lock 'yung pinto. I remain calm dahil I know him, hindi niya 'ko kayang saktan but here I am making him suffer





"Hindi kita pakakawalan hangga't hindi mo sinasabi sa 'kin kung ba't ka nagkakaganyan!" he said seriously





"Tris, I have my own mind. And 'di ko naman akalaing isang araw ayaw na pala kita" I lied





"Hana!" he shouted






"W-what?" I tried not to stutter but I failed





"Fine, if that's what you want, be it" medyo nasaktan naman ako sa sinabi niya. So he's letting me go na? ''di ba that's what you want self? 'wag ka ngang shunga!'






"But hindi mo ko mapipigilan na iparamdam sa 'yo kung ga'no kita kamahal and hindi ako mapapagod na suyuin ka" he said at hinaplos ang pisngi ko





He left me there dumbfounded. Hindi ko na napigilan pang maluha





Ang sakit, ang sakit sakit. Akala ko okay na. Kainis! ba't ba puro nalang problema ang dumarating sa 'kin?! para bang pilit kaming pinaglalayo ni Tristan!
_____

"Class dismissed" saad ng teacher namin at nagsialisan naman kaagad ang mga kaklase ko 'cause uwian na namin





"Hana" tawag sa 'kin ni Xan kaya napatingin naman ako sa kanya




"Yes?" I asked




Tumingin siya sa paligid at ng masigurong wala ng ibang tao bukod sa 'min eh hinila niya 'ko palabas. Ano bang problema ng mga tao't kanina pa nila 'ko hinihila?




"Where's Tris?" he suddenly asked. Kumunot naman ang noo ko. Oo nga 'no. Hindi ko namalayang nakalayas na pala 'yung lalaking 'yun




"I don't know" I said




Hinila niya pa 'ko hanggang makarating kami sa may garden ng school. Wala nang maraming mga estudyante ang nagdadaan dahil uwian na din naman namin




"What's your problem?!" irita kong tanong sa kanya matapos niya 'kong hilahin





"Ikaw ang dapat kong tanungin niya'n!. What's happening to you?! ano bang nangyayari sa inyong dalawa?! last time si Tris lang ang nagkakaganito tapos ngayon ikaw naman. Don't tell me dahil naman 'to sa isang lalaki?!" he shouted. Napayuko naman ako





"What?! so totoo nga?! Hana face me, 'di talaga kita titigilan. 'Wag mo 'kong itulad kay Tris na 'di ka kayang piliting umamin" Xan seriously said. Xan used to be happy go lucky pero 'pag ganitong usapan na hindi mo talaga kayang magsikreto sa kanya. He has this aura na mapapaamin ka talaga





"Xan" and with that nag-breakdown ako sa harapan niya. He hugged me and caressed my back




"Shh, you know I'm here. Tell me, it's about that right?" He asked. Pinunasan ko naman ang luha ko't nakakunot ang noong nakatingin sa kanya




"What do you mean?" naguguluhan kong tanong




"Tungkol 'to sa sinasabi mong financial problem ng pamilya mo 'di ba?" he cornered me. Natahimik naman ako't nabato sa kinatatayuan ko




"How did you-" he cutted me off



"It's obvious Hana, even Tris alam kong alam niyang about 'to do'n but he respects your decision kaya ayaw niyang manghimasok but I won't let that happen. Tutulungan kita. Please let me. Alam kong mabigat na problema 'tong dinadala mo so let me" he sincerely said. Na-touched naman ako sa sinabi niya but it's already too late




"Sorry Xan, but it's already settle. May tutulong na sa 'min" I said. Nangunot naman ang noo niya





"O 'di kung gano'n ba't mo pa nilalayuan si Tris? I don't understand you" he said




"Xan, ayokong masaktan si Tris" I said




"Huh?" he asked




"Ang kapalit ng pagtulong ng sinasabi kong tutulong sa 'min ay ang pagpapakasal ko sa anak nito" pag-amin ko nanlalaki naman ang mga mata niya




"What?! hindi ko 'yan hahayaang mangyari! why didn't you tell us?! dapat sa'min ka humingi ng tulong Hana!" panunumbat niya sa 'kin




"Ayoko kayong madamay Xan" I honestly said. Sinamaan niya naman ako ng tingin



"Ang daya mo Hana, I'm your friend and he's your boyfriend. Umpisa palang damay na kami sa 'yo! ano bang kalokohan 'tong pinaggagagawa mo?!" he exclaimed. Napayuko naman ako't naluha



"Sorry, but please don't tell him about this-" he cutted me off again



"Malalaman niya din Hana! and you know what? ang sama ng loob ko sa 'yo. Pa 'no mo 'to nagawa sa kanya? he doesn't deserve this. Mas malala pa 'to sa ginawa niya sa 'yo Hana! uto ba ang gusto mong mangyari ha?! ang magantihan siya?!" halatang kinakain na din ng emosyon niya si Xan




"Xan, hindi 'yun ang gusto ko. I think this is the be-" -me



"No! this is ridiculous! kayang kaya ka naming tulungan Hana" he said na inaakalang kakayanin nga nila 'kong tulungan. Napuno na 'kot napasigaw na rin



"Hindi niyo kaya Xan! na-bankrupt kami at wala na kaming restaurant! wala na kaming pera at baon na kami sa utang! what kaya mo ba 'kong tulungan sa pera na hindi naman galing sa mga bulsa niyo?!" I shouted



"Bahala ka Hana. Sana lang at matauhan ka na" 'yan nalang ang sinabi niya't iniwan ako dun


Hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha at hinayaan nalang itong rumagasa. Ang sakit sakit. Ngayon kahit kaibigan ko itinatakwil na din ako. I hate this! I hate myself!

Destined LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt