Chapter 17

6 1 0
                                    

Hanaya's POV

"Hanaya puwedeng pakibilisan pa 'yung lakad mo? 'yan! perfect! okay magbreak muna kayo" saad ng trainor namin. Nagpapractice kasi kami for the upcoming foundation day, kami kasi ang pambato ni Tris sa Mr. and Ms. SHS

It's been also a month since ng maging kami ni Tris and our relationship is going well hehehe hindi naman sa iniinggit ko kayo. Ngayon din ang first monthsarry namin yayy! biruin niyo, isang buwan na kaming nagtitiisan ng topakin kong bf? hahahaha joke lang ofcourse 'di ko tinitiis 'yon dahil hindi ako napipilitan sa kanya 'no. Kahit topakin 'yon love ko 'yun and I'll do everything for him

"Hey sir, 'wag mo naman kaming pagbreak-in kaka-1 month lang namin oh" bigla namang sabat ni Tris kaya pare-parehas kaming natawang lahat dito sa room. Alam na kasi ng school campus na kami na and ayun nagkaroon pa kami ng mga fans. Akala mo tuloy celebrity kaming dalawa na matagal na nilang inaabangang magkatuluyan. But ofcourse may mga haters din kami katulad ng nasa gilid ko ngayon na kanina pa napakasama ng tingin sa'kin…no other than the all time death glare queen Jane De Leon

"Tris naging kayo lang ni Hana nagkahumour ka na hahahaha magandang pangitain 'yan" Xan said habang tumatawa. Nakaupo siya katabi si Coleen and ewan ko kung may namamagitan na ba sa dalawang 'to. And speaking of Xander, yes okay na siya and nakapagmove-on na, sa wakas! siya na nga ang number one shipper namin ni Tris eh

"Tristan that's not what I mean hahaha, tiyaka 'wag mo nga 'kong i-sir, ma'am okay?" tugon ng bakla naming trainor

"Okay" tugon lang ni Tris. Inalalayan naman niya 'ko sa upuan malapit kina Xan but siyempre siya ang tabi kay Xan and ako naman ang nasa kabilang gilid niya. Lalaking 'to talaga masyadong possesive as if naman cha-chansingan ako ni Xan eh bff na ulit kami niya'n

"Here" he said and inabutan ako ng tubig. Mero'n pala siya niya'n

"Thanks" I said and kinuha naman 'yung bote na inaabot niya. Binuksan ko naman 'to agad ta uhaw na 'ko. Ang hirap kayang maglakad ng nakaheels lalo na't 'di ako sanay pero kainis ta ayaw pang makisama nitong boteng 'to. Ayaw mabuksan

"Kailangan mo ng tulong? amin na buksan ko" biglang saad ni Xan na 'di ko namalayang nakatingin na pala sa'kin

"Ah-" 'di ko na natapos pa ang sinasabi ko ng biglang hablutin ni Tris 'yung bote sa kamay ko

"Ako na, I'm your boyfriend 'di ba?" sabat naman ni Tris kaya kinunutan ko siya ng noo. Siraulong 'to

"Hahahaha, chill bro. 'Di ko aagawin si Hana tutulungan ko lang talaga siya, walang malisya" Xan said. Oo nga naman. 'Di naman siya pinansin ni Tris at inabot lang sa'kin 'yung tubig

"Love kaibigan pa rin natin si Xan so don't be rude to him" paalala ko kay Tris matapos kong uminom

"Ehem mukhang may namumuong love quarrel ah" biglang sabat ni Coleen kaya napatingin kami sa kanya. I just smiled at her. Ewan ko ba pero parang may iba akong nafefeel kay Coleen yes I know she's so kind pero may 'di ako maipaliwanag na pakiramdam towards her lalo na the way he looks at Xander. Yeah I know and it's so obvious na she has crush on Xan but parang higit pa ro'n ang tingin niya, I don't wanna judge her but iba talaga ang pakiramdam ko

"Love! kanina pa kita tinatawag, you're spacing out" Tris said na nagpabalik sa'kin sa reyalidad

"A-ah sorry, what is it again?" I asked while scratching my head

"Magpa-practice na daw tayo" he said and tumayo na. I also stood up and nagpractice na nga kami ulit
_____

Xander's POV

Destined LoveNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ