Chapter 20

4 1 0
                                    

Hanaya's POV

"Ma, sa inyo po ulit ako sasabay" I said pagkababa ko sa may hagdan namin

"Hmm? okay pero bakit? 'di ka nanaman daw ba masusundo ni Tristan?" mama asked. Tumango nalang ako para wala ng mahaba pang usapan

Nanguna na 'ko kina mama sa pagpunta sa may garahe at pumasok kaagad sa may sasakyan. Isinuot ko din 'yung headset ko and nagpatugtog para naman magkaroon ako ng gv. 'Di pa din kasi ako nakaget-over sa nangyari kahapon. Walanghiyang lalaking 'yon, subukan niya lang talaga 'kong suyuin at pahihirapan ko talaga siya ng sobra

Pagdating sa school nagpaalam na 'ko kaagad kina mama't papa maging sa mga pasaway kong kapatid at tumuloy na sa pagpunta ko sa room. Hindi ko muna pinansin 'yung mga estudyanteng kung makatingin sa'kin eh wagas plus the bulungan effect pa actually kailan ko ba sila pinansin? eh sa araw araw kong pumapasok dito ganya'n naman palagi ang gawi nila

Pagdating na pagdating ko sa room, hinanap agad ng mata ko ang walanghiya and ayun wala pa din. Even Xan wala pa din, mukhang napaaga ako

Umupo na 'ko sa may upuan ko and tumunganga

"Hello Hanaya" biglang may bumati sa'kin kaya't inalis ko muna 'yung headset ko tiyaka ko siya hinarap

"Hi" bati ko naman pabalik kay Coleen. Umupo naman siya sa tabi ko

"Uhm, nakakahiya man pero, okay lang ba kayo ni Tristan? parang lately kasi 'di na kayo sabay pumapasok" she said. May pagkatsismosa din pala 'tong babaeng 'to

"Ah, ano tampuhan lang, don't worry about us" tugon ko nalang. Ang hirap talaga kapag sikat ka sa school pati naman problema niyong magkarelasyon, problema na din ng buong campus

"Sana magkabati na kayo, sobrang ship ko talaga kayong dalawa since day 1 kaya super happy ko nung maging kayo, buti na nga lang rin at absent pa din si Jane since kahapon kaya't walang makapanggugulo sa inyo" mahaba niyang litanya. Ay 'di ko napansin, absent pala 'yung babaeng 'yun mula kahapon?

"Thank you sa concern mo Coleen" I said and nginitian niya lang ako't pumunta na siya sa upuan niya. Part pa rin kaya ng duty niya as a classroom President ang panghihimasok sa relasyon ng kaklase niya? hmm I don't think so, but medyo natuwa ako sa sinabi niyang buti nalang daw at absent si Jane, isa rin siguro siya sa buwiset sa babaeng 'yun

Maya maya lang rin dumating na si Tris na mukhang walang tulog simula kahapon. Ayos lang kaya siya? kumakain pa kaya 'tong lalaking 'to?

Teka teka nga akala ko ba inis ka sa kanya Hanaya eh ba't oa nanaman 'yang pagiging concern mo?

Eh kasi naman 'tong lalaking 'to eh. Ba't ba kasi kahit ganya'n siya mahal ko pa rin siya?

Sa wakas dumating na rin si Xander nang mabawas bawasan naman 'tong tense na bumabalot sa area namin

"Ano ba 'yan ang layo layo ko palang ramdam ko na 'yung aurahan niyong dalawa. 'Di pa din kayo nagkakaayos?" saad ni Xan pagkaupo niya

"Kung dati sana nangyari 'to e'di tinake advantage ko na eh kaso huli na eh nakamove-on na 'ko" dagda pa niya

"Oo nga self 'no? grabe para na 'kong baliw dito ni hindi niyo ba 'ko papansining dalawa?" he asked

"Tss" sabay naming saad ni Tris kaya nagkatinginan kami pero umiwas siya kaagad

"Magjowa nga" tugon ni Xan habang umiiling iling
_____

Mabilis na nagdaan ang araw at uwian na namin. Nagpatiunang umalis si Tris kaya dali dali kong inayos ang bag ko't sumunod sa kanya. Buwiset na lalaki 'to! walang mangyayari kung ganito nalang kami palagi, we need to fix this and kailangan niyang mag explain sa'kin!

Tumakbo ako at humarang sa harapan niya. Iniwas niya naman ang tingin niya sa'kin tiyaka siya nagsalita

"Umalis ka nga sa harap ko" he coldly said. Ouch! ang sakit nun ah! napahawak tuloy ako sa dibdib ko

"I won't!, we need to talk" I firmly said and hinatak siya papunta do'n sa may puno malapit sa building namin. Hindi naman na siya tumanggi at sumunod nalang. Buti naman

"Love" tawag ko sa kanya but he remain looking at different direction. I know him so well na even that action his doing ay alam ko na ang rason. Naglilihim ang boyfriend ko sa'kin

"Tristan Ivan Quinto, I'm talking to you so look at me!" I said kaya ayun at humarap nga siya sa'kin

"Bakit ka ba nagkakaganyan? what's happening to you?" I asked worriedly. Oo na dinisregard ko na 'yung tampo ko, ayoko namang forever nalang kaming walang kibuan ng lalaking 'to

"Are you okay?" dagdag ko pa then I saw in his eyes na nagsoftened siya. I gently held his cheeks but he just held my hand and inalis 'yon

"Hana, I'm sorry" bigla niyang saad at bigla nalang may tumulong luha sa mga mata niya. Nagulat din ako sa 'di niya pagtawag sa'kin ng love

"I know, just tell me bakit ba hindi ka nagrereply sa'kin kahapon and you're being so cold to me, what's happening dahil love gulong gulo na 'ko. all of a sudden nagkakaganyan ka. May nangyari ba? may nagawa ba 'kong masama? is it about your parents? tell me, I'll listen, just tell me what's happening" I said and wiped his tears

Pinasadahan ko siya ng tingin and bigla akong nanlambot. Awang awa ako sa kalagayan ng boyfriend ko, he really look miserable and I really want to help him

"Just tell me, I'll help you at any cost" I added pero tinitigan niya lang ako then suddenly he patted a kiss on my forehead kaya napapikit ako and pagdilat ko bigla niya naman ako hinalikan sa labi. Even though wala siyang sinasabi, his actions made me realize na he's indeed in pain. Paghiwalay ng mga labi namin bigla siyang nagsalita na 'di ko akalaing masasabi niya

"I think this is a goodbye, ayaw na kitang masaktan pa Hana and I will just make you miserable like me. Maghiwalay na tayo" he said kaya para akong napako sa kinatatayuan ko. W-what did he say?

"A-ano?" I asked hoping na babawiin niya 'yung sinabi niya

"Hindi na kita mahal, let's break up" he said and iniwan na 'ko do'ng luhaan at hindi makapagsalita

No! this isn't happening! this is just a bad dream! self gumising ka!

Destined LoveWhere stories live. Discover now