Chapter 09

7 2 0
                                    

Hanaya's POV

"Ate!! gising na!! may mga bisita ka! bilisan mo!" sigaw ni Jeffrey na nagpabalikwas sa 'kin. Ano ba 'yan sabado na sabado may nang iistorbo. Akala ko pa naman masusulit ko 'yung pahinga ko ngayon

"Oo na!" sigaw ko pabalik at tumayo na. Narinig ko naman 'yung footsteps ni Jeffrey patunay na umalis na ito sa may likod ng pinto 'ko

Nagpunta nalang ako kaagad sa cr at nagmumog at naghilamos. Sinuklay ko na din 'yung buhok ko ta nakakahiya naman sa bisita ko

Paglabas ko sa cr kinuha ko agad 'yung phone ko sa ibabaw ng mesa at nagulantang ako pagbukas ko nito dahil puro missed calls nina Xander at Tristan ang bumungad sa 'kin, in-open ko agad ang text ni Tristan at nagulat ako ng mabasa kung ano ang nakalagay dito

From: Tristan

Pupunta kami sa bahay niyo

Text nito kaya 'di ako magkamayaw sa pagmamadali para lang makababa agad

Pagdating ko sa baba bumungad sa 'kin and isang scene na isa sa kinatatakutan kong mangyari na nangyari na nga

"Good morning Hana!" bati sa 'kin ni Xander habang nagkakape siya kaharap sina mama at papa na katulad niya'y nagkakape rin

"Ang tagal mo namang bumaba nakakahiya sa mga bisita mo oh" sita sa 'kin ni mama paglapit ko sa kanila

Naabutan kong nagcecellphone sa isang sulok si James at nakikitsismis naman sa tabi ni mama si Jeffrey

"Ang tulog mantika talaga" giit naman ni papa na nagpakaba sa 'kin. Tinignan ko siya upang malaman ang reaksiyon niya dahil nandito sina Xander at nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakangiti siya

Napadako din ang tingin ko kay Tristan na nakangiti ng napakatamis sa 'kin habang may bitbit na gitara sa likod niya. O-kay?

"Sila ba 'yung sinasabi mong mga kaibigan mo?" tanong ni papa sa 'kin pagkaupo ko

"O-opo" I said

"Mukhang hindi naman sila mga loko loko. Pero hindi porke't magaan ang loob ko sa inyong dalawa magpapakakampante na kayo ah?. Take care of my princess or else-you know what I mean" pagbabanta ni papa na nagpangiti sa 'kin ngunit nagpangiwi sa dalawa kong kaibigan

"'Wag niyong masyadong isipin ang pananakot niya'n, he's just being protective to Hanaya" pagpapaliwanag ni mama. Napatango naman ang dalawa na animo'y nabunutan ng tinik sa lalamunan

Ano ba naman kasing trip ng dalawang 'to at nagpunta dito sa bahay?

"Aakyat ba kayo ng ligaw kay ate kaya kayo nandito?" pagbibiro ni Jeffrey kaya sinamaan siya ng tingin ni papa

"Relax pa, joke lang" nakangiwing sambit ni Jeffrey habang nakapeace sign

"Ahahaha, kung puwede lang" mahinang sambit ni Xander na nagpakunot ng noo ko at mukhang narinig din ni papa

"Ha?" nakangiting tanong ni papa pero halatang may pagbabanta sa boses nito

"W-wala po" Xander said while stuttering

"We're here po 'cause we want to make up with Hanaya. Na-offend po kasi namin siya last time sa pantitrip po namin sa kanya so we're here po para makabawi" Tristan honestly said. Nawala naman ang ngiti nina mama't papa at napalitan ito ng pagiging seryoso

"What did you do to her?" seryosong tanong ni papa

"Uhm s-sinali po kasi namin siya sa mga clubs na nando'n din po kami without her permission" pag-amin ni Xander kaya napatango tango si mama at napangiti

Destined LoveWhere stories live. Discover now