Chapter 05

13 1 0
                                    

Hanaya's POV

Mabilis na nagdaan ang ilang araw and saturday na. Nakahiga ako ngayon sa kama ko and tinatamad bumangon. Parang ayoko ng tumuloy sa practice namin ni Tristan.

Chineck ko 'yung oras and 8:15 na pala. Hayst! sa ayaw at sa gusto ko naman 'di ko siya puwedeng indianin ta 'di ko pa nga alam kung anong sasayawin namin

Nagprepare na 'ko, naligo and ginawa 'yung mga morning routines ko and nagsuot nalang ng plain pink medium size shirt plus jogging pants na gray with matching white na rubbershoes ta's 'yun okay na 'ko.

Nagdala na rin ako ng bag lalagyanan ng phone ko tiyaka powerbank.

Pagbaba ko ayun naabutan ko nanonood ng TV si James ta's si Jeffrey naman ayun busy sa pagc-cp. Sina mama't papa for sure 'asa restaurant na ngayon.

"Sa'n punta mo? sabado ah?" James asked

"May practice ako para sa group project namin" I answered

"Sa'n naman?" Jeffrey asked

"Sa kaklase ko" I answered

"Sino?" -James

"Ba't ba tanong kayo ng tanong?" I asked

"Curious lang, tiyaka baka incase na biglaang umuwi sina mama ayun may masagot kami kung hanapin ka nila" Jeffrey explained

"Kina Tristan" I said. Ngumiti naman ng nakakaloko 'yung dalawa

Ano'ng mero'n sa dalawang 'to?

"Yiee, ate ah! kuwento mo sa 'min kung anong mangyayari mamaya ha pag uwi mo" pang aasar sa 'kin ni Jeffrey

"Oo nga, pero baka magselos niya'n si kuya Xander 'di kaya Jeffrey?" panggagatong pa ni James. Mga abnoy!

Pagtrip-an daw ba 'ko ta's 'yung dalawa kong kaibigan?. Dapat pala 'di ko na kinuwento sa kanila sina Xander tiyaka Tristan. Malisyoso kasi 'tong mga 'to.

"Mga sira!" singhal ko sa kanila at kumain nalang
_____

Nandito ako ngayon sa GIS, sa may labas ng gate to be specific kasi sabi ng loko i-wait ko lang daw siya dito ta susunduin niya nalang daw ako.

Kainip kanina pa 'ko dito ha! pinupog ko na din siya ng text tapos kanina ko pa tinatawagan 'di naman sumasagot.

'Langya 'yon! magwewait lang ako ng 5 min. dito pero kung wala pa siya after 5 min. uuwi na 'ko. Siraulo kasi! 'di manlang ibigay sa 'kin 'yung address niya para sana andun na 'ko sa kanila 'di ba? pagold kasi.

Maya maya lang may sasakyang huminto sa harap ko. Bumukas 'yung bintana sa passenger seat na nasa tapat ko and bumungad sa 'kin 'yung mukha ni Tristan.

"O ano tutunganga ka nalang ba? sakay na!" he said. Naparoll eyes nalang ako

Wow ha!

Sumakay nalang ako sa may backseat and pinaandar na nung driver niya 'yung kotse nila. Tahimik lang ako buong biyahe papunta sa bahay nila kasi nababanas ako sa kanya! 'apaka tagal niya kaya bago dumating ta's 'di manlang pinapansin mga messages tiyaka tawag ko sa kanya

Pagdating namin sa bahay nila napatunganga ako. Grabe 'apaka rich din pala ng lalaking 'to!

Ba't ba ang yayaman ng mga kaibigan ko?

"Halika na! baka lalong wala tayong masimulan niya'n eh!" reklamo niya

"Oo na! ikaw 'tong ang tagal dumating ta's ngayon pinagmamaali mo 'ko?!" I said. Nanahimik lang siya

Destined LoveWhere stories live. Discover now