Chapter 35

1 1 0
                                    

Hanaya's POV

"Anak, everthing's settled. Mamaya magkakaroon tayo ng dinner with mr. Miller and his son. They want to meet you" papa said habang kumakain kami. Nawala tuloy ako ng gana

"Okay po" I said at pinilit nalang ang sarili kong ubisin ng kinakain ko
_____

Pagdating ko sa school. Tris didn't leave me alone. He always follow me wherever I go. And his really persistent in winning me back. Naguguluhan naman si Xan sa nangyayari sa 'min

"Kayong dalawa ano nanaman bang trip niyo sa buhay ha?!" naiirita nang tugon ni Xan

"I need to change her mind" Tris said and looked at me and smiled sadly. Para naman akong sinaksak ng ilang daang kutsilyo sa puso ko. Bilib din ako a sarili ko't 'di pa din ako natitinag kahit katabi ko pa yung lalaking mahal ko. Isang tagilid ko lang kayang kaya ko na siyang balikan but I can't hindi puwede

"Huwag mong sabihing-" I cutted him off

"Yes, hiwalay na kami" I coldy said

"Tsh, jinojoke time niyo 'ko eh" Xan said but we remain serious kaya nagulantang siya lalo

"Legit?! bakit nanaman?! nambabae nanaman ba 'tong si Tris?! 'di ka na talaga nadala 'no Tris?! 'yan napapala mo 'yan. Tama nga 'yan Hana, 'wag mo ng balikan 'yang mokong na 'yan" Xan said. Lalo lang tuloy akong naguilty

"No it's not him. Ako ang nakipaghiwalay because of my own reason" I said at nanahimik na. Patuloy lang sa pakikiusyoso si Xan kung bakit hiniwalayan ko si Tris but I didn't mind him

Nagkunwari nalang akong nakikinig sa klase namin kahit unti unti ng nadudurog ang puso ko sa pagtaboy sa lalaking mahal ko

"Hana, may fries ako dito oh. I know you want this here get this" at inabot niya naman sa kamay ko. Recess na kasi namin and Tris accompany me without my permission

Itinapon ko sa basurahan sa malapit 'yung ibinigay niyang fries kahit na alam kong masasaktan siya. Nakita kong nalungkot naman siya and itinago niya mula sa akin 'yung pagpunas niya sa mata niya. Mas dobleng sakit naman ang naramdaman ko

"Leave me alone" I said and nilampasan siya. I ordered by myself and pumunta sa garden para do'n kumain. I ate while reviewing 'cause may quiz kami mamaya. Luminga ako sa paligid to know if nakasunod pa din si Tris but he's not. Mukhang nasaktan ko talaga siya kanina. Mas okay na din 'to atleast nagsasawa na siya

Alam kong sa susunod lalayuan na din ako ni Tris dahil sa pagtaboy ko sa kanya but hindi ko pa rin magawang masanay sa sakit. Gusto ko nalang mamanhid

Natapos ang araw ng wala ako sa mood. Parang sa isang iglap 'yung happiness na nararamdaman ko turns into sorrow. Sana maibalik 'yung oras na masaya pa kami at hindi na matapos pa, kaso hindi na puwede eh. Nangyari na ang dapat mangyari

Sa ayaw at sa gusto ko nagprepare pa din ako for our dinner with the Millers'. Ang sabi ni papa I should wear a formal one kaya pinili ko ang white formal off shoulder dress ko pairing with silver-transparent 3 inches heels ko.

Nang makarating kami sa venue ginuide kaming tatlo nina papa ng mga guard ni mr. Miller papunta sa kinaroroonan nila. Hindi rin nagtagal at nakarating na nga kami sa room na kinaroroonan nila. We're in a five star hotel na pagmamay-ari din nina mr. Miller.

Pagdating namin, ang naabutan lang namin ay isang lalaking nasa middle age na mukhang mas matanda lang ng ilang years kay papa.

He greeted us. Papa greeted back

"Have a seat" he said at pinaupo nga kami sa may dining

"I'm sorry, medyo malelate lang si Lance, my son" he said with a baritone voice na nakakaintimidate talaga

"Is this your daughter you're talking about? she's gorgeous" ngumiti lang ako sa kanya

"Yes, and this is my wife Daisy, remember?" papa introduced. Tumango naman si mr. Miller

"Yeah I still remember her. And baka lang hindi pa alam ni Hanaya if anong connection natin. We're friends on college iha and I want to help your father with his little problem" he said. Medyo nainsulto ako sa pagmamaliit niya sa'min. He said na little problem lang 'yung problema namin?! he doesn't know anything. I can sense na gusto niya lang gamitin sina papa. But what can I do? siya lang ang makakatulong sa 'min and kunsabagay maliit lang naman talagang problema para sa kanya 'yung problema namin dahil sobrang yaman niya

Naghintay pa kami ng ilang minuto para sa anak niyang halatang spoiled dahil paimportante. Kaasar!

Bumukas ang pinto sa likod namin and there I saw a tall figured man walking towards us

"Son" his father said at nakipagbeso naman siya dito

"Everyone, this is Lance Miller, my son" pagpapakilala niya. Pinasadahan ko siya ng tingin and nah he's not my type. Pogi nga halata namang mayabang

"Good evening po" bati niya kina mama't papa

Nagulat naman ako ng titigan niya ko't suyudin ng tingin bago lapitan at halikan ang kamay ko. Muntikan ko tuloy siyang masampal

"Good evening, beautiful lady" he said and winked at me. Eew!

Nang makalayo siya pasimple kong pinunasan ang kamay kong hinalikan niya sa laylayan ng dress ko

"So aware ka naman na siguro iha that you're going to marry my handsome son? you're lucky dahil alam mo bang maraming babae ang naghahabol sa anak kong 'to and suwerte din siya sa 'yo 'cause you're beautiful" mr. Miller said. Naparolled eyes naman ako sa utak ko. O 'di sila nalang maging asawa niyang Lance na 'yan as if I care

"Tama, I think they suit together" papa said. Nasamid naman ako sa iniinom ko. Nagserve na kasi kanina 'yung mga waiter/waitress nila

"So 'wag na tayong magpaligoy ligoy pa, ako nang bahala sa lahat. And their engagement would be next next week" mr. Miller said

"Hindi ba masyado namang mabilis?" papa asked. Oo nga, ano 'yan atat lang? as if naman maikakasal kami agad eh nasa 16-17 lang naman age namin

"Hindi naman po, and also I like your daughter, she's really my type" Lance said. Napataas naman ang kilay ko sa kanya. Well, he's not my type as in

"Son don't be so much impulsive" his dad commanded him. Parang tuta naman siyang sumunod

Nag usap usap pa sila sa kung ano ano but hindi ko nalang masyadong pinay-attention dahil wala naman akong pake. Mula pa kanina ang laman lang ng utak ko ay si Tris. Ni wala nga akong paki kahit kanina pa 'ko tinititigan at nginingitian ng Lance na 'to. He's giving me creeps

Siguro hindi ko na kayang magmahal pa ng iba. My heart only belongs to him, my love, Tristan.

Destined LoveWhere stories live. Discover now