Chapter 26

6 0 0
                                    

Hanaya's POV

"Hey may hang-over ka pa rin? hahaha" Xan teased me pagdating ko palang sa room namin. It's tuesday na and isang araw na ang lumipas mula nung naglasing kami ni Shayne. Hayst kaasar na lalaki 'to! ipaalala daw ba


*Flashback*

*Yawn*

Unti unti kong idinilat ang mata ko and tumambad sa 'kin ang 'di pamilyar na lugar. Napabalikwas ako ng 'di oras, asa'n ako?!


Napatayo ako mula sa pagkakahiga dahil sa takot ngunit napahawak muli sa ulo ko ng sumakit ito. Argh! ano bang nangyari kagabi? wait, si Shayne?!


"Oh gising ka na pala, good morning" bati ng isang lalaking kalalabas lang mula sa banyo, don't get me wrong ha bihis na siya


"Xan?! anong ginagawa ko dito?! nasa'n ako?!" kinakabahan kong tanong


"Relax Hana, nasa condo kita and wala akong ginawang masama sa'yo hahaha" he said. Namula tuloy ako sa hiya at napatingin sa suot kong damit, oo nga ito pa rin 'yung suot ko kahapon


"Teka, monday 'di ba?! sh*t may klase pala!" I exclaimed at dali dali tumayo habang iniinda pa rin ang sakit ng ulo ko


"Hey, umupo ka muna, naexcuse ko na tayong dalawa so don't worry and here I prepared breakfast for you" he said at pinaupo akong muli sa kama. Hala nakakahiya na sa kanya naistorbo ko pa siya! ano ba kasi 'yan self painom inom 'di naman pala kaya ang sarili?!


Kinain ko na 'yung ibinigay niyang pagkain dahil gutom na rin naman talaga ako. Ininom ko na rin 'yung gamot na kasama nun para naman mawala na 'tong sakit ng ulo na nararamdaman ko


"Thank you Xan" I shyly said. Nakakahiya talaga! pati tuloy pagtatanong about sa nangyari kagabi 'di ko na magawa, oo nga 'no? pa 'nong alam niyang naglasing ako? mamaya chinismis nanaman ni Shayne! walanghiya talaga 'yun


"You're welcome" he said habang nakaupo sa tabi ko


"A-ah Xan? pasensya na sa istorbong naidulot ko sa'yo. Uhm, can I ask, pa'no pala 'ko napunta dito sa condo mo? and how did you know na nalasing ako?" I asked


"Ah, I just saw you with someone I know and pinahatid ka niya sa'kin, and dahil lasing na lasing ka na and 'yung condo ko 'yung pinakamalapit na puwede kong paghatiran sa 'yo so dito muna kita dinala" he explained. Wait, so puwedeng siya 'yung lalaking nagligtas sa 'kin kagabi? pero ang sabi niya 'someone I know' eh 'yung lalaki kagabi mukhang 'di naman kakilala 'yung lalaking himihila sa 'kin? Hayst ayoko na ngang mag ii-iisip mamaya marami pala akong kahihiyan na ginawa kagabi


'Di ko na siya tinanong pa kung sino man 'yung kakilala niyang 'yun dahil nagmamadali na akong umalis para umuwi. Patay ako sa parents ko nito!

*End of Flashback*


"Che" I said and umupo na sa tabi niya. Nasulyapan ko din ng 'di oras and walanghiya kong ex na nandun at nakikipaglampungan sa haliparot. Oh anong tinitingin tingin niya diya'n?! as if he cares


"Ba't bad mood ka 'ata?" Xan asked me


"'Di ba obvious?" pagtataray ko tinawanan niya lang ako, lalo tuloy akong nabuwisit. Ewan ko ba ang sama ng gising ko


"Good morning class" bati ng teacher namin at nag start na ngang magklase
_____


Uwian na namin and kasalukuyan akong nandito sa may locker ko ngayon para kunin 'yung libro ko 'cause my assignment kaming gagawin ng may makita akong black na sobre sa loob ng locker ko


I furrowed my brows and tinignan ito. Walang nakasaad kung kanino galing and ewan ko ba ba't bigla ako kinabahan sa letter. I check it's back and may parang blood stain siya, weird and at the same time creepy. Sino namang maglalagay nito sa locker ko?


I closed the door of my locker and then binuksan ko na 'yung sobre. May papel ulit sa loob and now it's color white na medyo gusot and there stated 'You ruin everything, get ready 'cause It's PAY BACK time'. The moment I read it, it gives me chills down to my spine


Teka wala naman akong alam na ginagawan ko ng masama ah? actually ako pa nga 'yung ginawan ng masama dito. And ang alam ko lang namang galit sa 'kin eh si Jane? but why would she do this? nasa kanya na si Tris


"Ba't ang tagal mo?" salubong sa 'kin ni Xan pagkalabas ko sa locker room


I remain silent kaya nangunot ang noo niya


"What's wrong? ba't namumutla ka?" nag aalala niyang tanong and then bumaba ang tingin niya sa hawak kong sobre


"What's that?" he said at kinuha mula sa 'kin ang sobre at tinignan ang laman nito then dahan dahan niyang ibinalik sa akin ang sobre habang pinagmamasdan ako


"Xan, you think kanino galing 'yan?" I asked. Lalong nadagdagan ang pag-aalala niya


"I don't know, gusto mo ba magsumbong tayo sa mga pulis? even though this is just a simple letter this is not a joke Hana, the owner seems serious the way the words is written in the letter" he concluded. 'Yun din ang tingin ko


"Hayaan muna natin Xan, we didn't know, mamaya may nangpaprank lang pala sa 'kin. I'm just going to be more careful this time" I assured him. Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag


"Tara ice cream muna tayo" he said


"Game" I said, para naman mawala 'tong patong patong na iniisip ko, tapos dumagdag pa 'tong death threat na 'to. Ano ba 'yan!


"Pero libre mo tutal pinatuloy naman kita sa condo, miss lasinggera hahahaha" he teased at nagtatakbo sa may quadrangle namin na parang shunga. Isip bata talaga


Hinabol ko pa siya nung una dahil sa pang-aasar niya pero nung mapagod ako hinayaan ko nalang siya


"Hoy! bilisan mo na gutom na 'ko!" he shouted. Walanghiyang 'to siya n nga magpapalibre demanding pa


"Manigas ka diya'n!" I shouted back


Sino kaya talaga 'yung may ari ng sobre? sana naman hindi talaga 'to seryoso at prank lang talaga kasi kung sakaling totoo man na may galit sa'kin ang may ari ng sobreng 'to ewan ko nalang kung anong mangyayari sa 'kin. Patong patong na ang problema ko ngayon tapos dadagdag pa siya. Hayst pa'no ba magpahinga?

Destined LoveWhere stories live. Discover now