Chapter 11

6 2 1
                                    

Hanaya's POV

"Let's begin GIS-FabGorgs Fashion Show!" manager Chel exclaimed at nagpalakpakan nga lahat ng manonood ng magsimula na kaming rumampa

Nauna kaming rumampa ni Xander at ipinakilala kami ni manager Chel na nagsilbing host din ng event. Sobra sobra ang kaba ko dahil tinatamaan nanaman ako ng pagiging mahiyain, but thankfully I managed to fixed myself

"Our first partner models are, Mr. Francis Xander Corpuz and Hanaya Faith Perez. Both wearing an outfit that design inspired by ethereal god and goddess" saad ni manager Chel ng huminto kaming dalawa sa harap at umikot para maipakita ang mga suot namin. 'Di magkamayaw sa pagpapalakpakan at hiyawan ang mga nanonood sa'min. Grabe ang dami nila!. Then next is sina Tris na

"Next is, the outfits design inspired by hot chic and the models are Mr. Tristan Ian Quinto and Ms. Jane De Guzman" -manager Chel

'Di ko magawang tignan si Tris sa mga mata niya matapos ng nangyari kanina. 'Di pa rin kasi mawaglit sa isipan ko 'yung nangyari sa library

"You okay?" tanong sa'kin ni Xan ng matapos naming rumampa at pumunta muna sa may back stage

"Yeah" I said

"You look gorgeous" he complimented. Napangiti naman ako

"Thank you, you look handsome too" I returned

"Can I call on all the models to lastly showcase their outfits here in the stage" -manager Chel

"Thank you too. Tinatawag na tayo ni manager Chel, tara na?" Xan said kaya tumango ako't rumampa nanaman kami

Matapos naming rumampa nagstay muna kaming lahat sa harap, nagpose at flinaunt ang mga suot namin. Ang suot ko kasi which is isang goddess dress like, is color white, 'yung may pa-see through see through na off shoulder with matching transparent cinderella heels like. Ito kasi ang in-assign ni manager Chel na isuot namin ni Xan kasi ito daw 'yung bagay sa'min. Nakipag-agawan pa nga si Jane sa'kin kanina kasi trip niya talaga 'tong damit ko but wala din siyang nagawa dahil pinagalitan siya
ni manager Chel

Ang speaking of Jane, ayun at kahit naka-make up siya'y kitang kita pa din ang bakat ng ginawa kong pananampal sa kanya. Tss, buti nga!

"Thank you models of GIS for showcasing the fabulously amazing masterpieces of our no other than Ms. Lily Victoria, the owner of FabGorg Clothing Line! let's give her around of applause" manager Chel said and tumayo naman si Ms. Lily at kumaway

"And to surprise everyone, Ms. Lily decided to chose 2 models who will be the 'Most Handsome/Georgeous Model' for both male and female category" manager Chel said kaya nagpalakpakan ang lahat at nag-usap usapan agad ang karamihan sa mga models

"Sino naman kaya sa 'tin ang mananalo?"

"Ako na 'yan, ang pogi ko kaya"

"No way! si Xander 'yan"

"Nah, for sure si Tristan"

"Sa female baka si Hanaya"

"Shut up! they'll choose me" pagsabat naman ni Jane sa kanila. Sinamaan lang siya ng tingin ng mga ito

"Okay so 'wag na nating patagalin pa, hawak ko na ngayon ang resulta and Madam Lily choose for male category is no other than...... Mr. Tristan Ian Quinto!" manager Chel announced at nagsiwalaan naman ang mga girls and gays na nanonood sa amin

"For the female category, sinong gusto niyo?!" -manager Chel

Karamihan ng sumisigaw ay pangalan namin ni Jane ang isinisigaw. But 'di na din ako nag-expect dahil ayaw ko namang masaktan 'pag 'di ako 'yung napili 'di ba? si Jane naman ayun at sobrang confident na siya ang mananalo dahil nanalo na nga 'yung partner niya. Nakuha niya pa 'kong kusilapan at ngisihan na animo'y nagmamayabang

Destined LoveWhere stories live. Discover now