Chapter 07

7 2 0
                                    

Hanaya's POV

Nandito kami ngayon nina Xander and Tristan sa library ng school tumatambay, ginagawa kasi nilang dalawa 'yung assignment namin sa UCSP. Tapos ko na kasi 'yung akin so pachill chill lang ako dito sa isang tabi habang nag-e-fb. Honestly 'di ko din talaga trip 'yang subject na 'yan, like nabobored ako sa sub. na 'yan and at the same time mukhang 'di pa ako trip ng teacher namin. Tsh, 'yaan na nga

So 'yun nga it's been a week mula nung surprise visit ni Shayne and ang loka loka mukhang nabitin at gusto pa ulit makita si Xander, char, eh kasi naman bukam-bibig niya 'yang lalaking 'yan tuwing magkachat kami na sana daw sa susunod na magkikita-kita kami 'di na niya makita 'yung pagmumukha ni Xander na ba't daw parang lobo 'yung ulo ni Xander ta punong puno ng hangin, hayst ewan ko nga ba dun akala ko pa naman nagkabati na talaga sila

Also sa isang week na nagdaan nagkaroon na rin ang school namin ng newly elected SSG officers and 'di ko na binalak pang sumali do'n 'cause ayaw ko talaga ng so much responsibilities

"Hey" Tristan whispered to me, bawal kasi kaming mag ingay 'cause 'di ba nga 'asa library kami

"What?" I asked

"What time is it?" he asked

"10:20 A.M. na" I said

Nataranta naman si Xander ng marinig ang sinabi ko samantalang 'yung nagtanong ayun at wala pa ring kaemoemosyon pero binibilisan naman 'yung pagsagot hahahaha, so weird

Oo nga pala, recess kasi namin and UCSP na namin after nito kaya 'ayan ngarag 'yang dalawa, mga baliw kasi ang hilig sa last minute

Maya maya lang habang nagsscroll ako sa fb may notif na biglang nagpop up and galing sa gc ng UCSP namin sa messenger. Ang nakasaad is absent daw and teacher namin ngayon and 'yung assignment namin eh next week nalang daw namin ipasa so meaning hihintayin nalang naming maglunch. Yes! mahaba habang pahinga din 'to

"Yo guys, I have a good news, check niyo mga phone niyo" I said while grinning, napakunot noo naman 'yung dalawa and sinunod nga 'yung sinabi ko

Nagkatinginan silang dalawa and sabay na napasigaw sa tuwa ng

"Yes!!" Xander and Tristan

Kaya in the end, napalabas kaming tatlo sa library

"Ingay niyo kasing dalawa, napaalis tuloy tayo do'n sa library" I said habang naglalakad kami and nakaglare ako sa kanila

"And so?" Tristan said. Aba aba, 'tong lalaking 'to talaga! minsan na nga lang magsalita nakakabuwiset pa

Kinusilapan ko nalang siya kahit pa maraming nakatingin sa 'ming mga estudyante. Agad naman akong pinagbulungan ng mga nadaanan namin

"Grabe girls kinusilapan niya si baby Tristan"

"Oo nga, ang landi niya pa grabe, ang two hotties ba naman ng school eh kasama nanaman niya"

"Tama nga si Queen Bee Jane she's such a famewhore"

That's what they said na halata namang gusto nilang iparinig sa 'kin and also nagpantig ang tainga ko sa mga bulungan nila pero agad din itong nawala ng bigla akong matawa ng marinig ko ang tinawag nila kay Jane, so siya nga ang Queen Bee? kung sa bagay serves her right naman, bagay niya hahahaha

Napatigil kaming tatlo-I mean lahat kami sa hallway ng biglang may magsalita sa speaker

"Good day students, may I have your attention for a while, this is Mr. Anderson. And I'm going to announce to all of you that your next class are postponed so please proceed to the gym for the announcement, thank you" at natapos na nga and pagsasalita ni Mr. Anderson

Destined LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat