Chapter 18

5 1 0
                                    

Hanaya's POV

It's been a week since no'ng meet up namin ng parents ni Tris and I haven't heard any from them since nun. Mukhang ayaw din kasing pag-usapan ni Tris 'yung about do'n so pinabayaan ko nalang rin. Ayoko namang ipilit 'yung sarili lalo na sa taong ayaw sa'kin

Hayst ba't ba kasi bv agad 'yung mga iniisip ko?! I need to be happy and compose today. Ngayon kasi ang foundation day namin so obviously ngayon din ang Mr. and Ms. Senior Highschool. Nasa'n na ba kasi 'yung partner ko?! mags-start na 'yung pageant oh!

Nandito na kasi kami kanina pa sa backstage ni Tris kaso naihi kaya nagpaalam siyang magc-cr lang siya pero hanggang ngayon wala pa din. 'Wag mong sabihing nilamon na siya ng cr?!

From: Hanaya

Hey! nasa'n ka na?! mags-start na love

I texted him. Maya maya lang may yumakap na mula sa likod ko. Muntikan pa 'kong matapilok sa gulat, buwiset na yumakap 'yan! hahampasin ko na sana ng makita ko kung sino 'yung yumakap sa'kin

"Buwiset ka! ba't ang tagal mo?!" I shouted. Wala na 'kong paki kahit pagtinginan pa kami ng ibang candidates ang importante sa'kin ngayon ang magulpi 'tong lalaking 'to. Kaasar siya! pinag-alala niya 'ko do'n ah!

Hinampas ko siya ng pagkalakas lakas kaya ayun napadaing ang loko

"Ouch! ang amazona mo talaga love" he said. Kinusilapan ko lang siya at sinimangutan

"Sorry na, natagalan ako kasi binili ko 'to para sa'yo" he said and may inabot sa'king tatlong fres na candy

"Alam mo bang pinag-alala mo 'ko?! at ano dahil lang bumili ka ng mga candy na 'yan?! grr buwiset ka talaga!" I exclaimed. 'Di ko na sana kukunin pa 'yung candys pero kinuha niya 'yung kamay ko't inilagay ito doon

"Sorry na talaga love, na-cute-an lang kasi talaga 'ko diya'n sa candys kaya binili ko na at pampatanggal kaba na rin" he said habang nagpapacute. Kung hindi ko lang mahal 'tong lalaking 'to eh!

"Fine, I forgive you basta 'wag mo na 'kong pag-aalahanin ng ganun ulit ha?!" banta ko. He smiled sweetly and saluted at me

"Yes, ma'am!" he exclaimed, natawa tuloy ako

"Basahin mo 'yung nakalagay diya'n" he said kaya sinunod ko naman at binasa nga 'yung nakalagay sa likod ng mga candy

'I love you'

'4ever'

'❤️' (means love)

'Yan 'yung nakalagay sa candy kaya nawala na 'yung inis ko't napangiti ng malawak

"I love you forever, love" he sweetly said that melted my heart. Kinantiyawan din kami ng ibang candidates dito sa backstage kaya nangamatis 'yung mukha ko

"Yiee"

"Sana all nalang"

"Sheesh, dapat talaga mahanap ko na din si the one"

"Tss" I just said and nagkunwaring sumimangot

"What, galit ka pa din?" he said while pouting. He's so cute

"Ewan ko sa'yo" at tumalikod nalang ako para maitago ang kilig ko sa kanya

"'To talagang love ko matampuhin, mahal na mahal kita" he said and bigla akong niyakap mula sa likod

"Mahal din kita" I said and pinaharap niya naman ako sa kanya habang nakayakap pa din siya and he gently kissed my forehead

"Manalo 'man o matalo tayo sa pageant, I'll still cherish this memory because you are with me" he said na lalong nagpangiti sa'kin

Destined LoveWhere stories live. Discover now