[22.5] The Another Unexpected Incident

Start from the beginning
                                    


"Ah, maiwanan na siguro namin kayo. Tawagan niyo na lang agad kami pag kailangan niyo ng tulong." Sabat na pagpapaalam ni Justine at agad na hinatak palabas si Rhea. Kami na lang tuloy ni Michael ang natira sa loob.


"Sige na. Matulog ka na ulit. Kulang pa ang pahinga mo." Paggigiit pa din niya.


"Michael! Kailangan kong malaman. Paano kung ikaw na ang susunod? Hindi iyon imposible. Kaya gusto kong malaman ang opinyon mo tungkol sa nangyari. Kung bakit nasundan pa ang insidente gayong natapos na natin 'to-"


"No. We're not yet finished." Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihing hindi pa kami tapos?


"Anong ibig mong sabihin? Eh, wala namang '13' sa orasan." Ang naiusal ko.


"Mali ka. Mayroong numero '13' sa oras." Nanigas ang mga masel ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko sa inihayag niya. Pero bago pa man ako makapag-react, ay muli siyang nagsalita na mas nagpagimbal sa akin.


"Sa standard time, labindalawang numero lang ang madalas na magamit sa orasan. But in military time, ginagamit ang 13-24 to represent 1-12 in the afternoon. Kaya naman ang number 13 is equivalent to 1 in the afternoon." Napapungay naman ang mata ko sa sinabi niya. Kaya pala. Mag-aala-una na iyon nang tumawag si Michael sa akin. 12:59 n'ong tignan ko uli 'yong phone ko para alamin kung tumawag uli siya.


Kung gayon, hindi pa kami tapos sa kalbaryo naming ito. At kung ligtas na ako, ibig sabihin lang nito ay may isa pa kaming dapat na iligtas. Si Michael.


"Kung gayon, ang buhay mo ay umiikot lang sa dos ng orasan, tama ba ako?" Sabi ko. Tumango naman ito bilang sagot.


Ten Minutes. 'Yon lang ang tagal ng oras para iligtas siya.


"Sige na. Magpahinga ka na. Kailangan mo pang magpalakas." Muli niya pang utos sa akin.


Sinunod ko na lamang siya atsaka tumagilid at ipinikit ang mata. Pero hindi pa din maalis-alis sa isipan ko ang tungkol sa insidente.


Ilang oras na ang nakalipas, pikit pa din ang mata ko pero gising naman ang diwa ko. Hindi ako mapakali kakaisip sa nangyari at sa maaaring mangyari kay Michael. Gusto kong puntahan si Mr. Grey at komprontahin ito.


Idinilat ko ang aking mata at hinanap si Michael sa loob. Nakita ko siyang natutulog sa sofa habang may akap-akap pang magazine. Magagawa kong makatakas!


Sinubukan ko munang alisin ang kumot sa katawan ko at umupo nang walang malilikhang ingay. Mabilis ang bawat paghinga ko buhat na medyo nahihirapan din ako dahil hindi pa kalakasan ang katawan ko.


Sunod naman, tinanggal ko sa pagkakakabit ang suwero. Bahagya pa akong napasinghap sa sakit na naramdaman ko. Pero hindi ko na iyon pa inintindi.


Laking pasalamat ko naman nang makita ang damit ko sa isang paperbag na nasa ibaba lang ng hinihigaan ko. Kinuha ko ito atsaka marahang binihisan ang sarili. Tagumpay naman akong naayos ang sarili ko nang hindi nagigising si Michael.


Dahan-dahan ko naman iniapak ang paa ko sa sahig habang nakahawak ang kanang kamay ko sa katabing mesa at ang kaliwang kamay ko sa hospital bed. Pilit kong iniinda ang sakit ng katawan ko. Pero nakakatuwa lang na nakakaya ko pang makapaglakad sa kabila ng sinapit ko.


Ibinulsa ko din ang susi ng kotse ni Michael at agad na tinunton ang pintuan. Muli ko munang sinilip si Michael na prente pa ding nakahiga sa sofa. Nilabi ko pa muna ang katagang 'Sorry' bago tuluyang lumabas ng kwarto.


Agad kong ipinarada ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Mr. Grey. Dali ko ding kinatok ang pintuan nito at tinawag siya. Pero walang sumasagot. Hindi na ako nag-atubili pa at pinasok na ang bahay nito.


Nagulantang naman ako nang makitang wala na ang mga orasan na nakakalat sa kaniyang sala. Tanging ang makalumang telebisyon at naaalikabukang sofa na lamang nito ang aking namataan doon. Inilipat ko ang tingin ko sa hagdananan paakyat sa kaniyang kwarto na parang opisina. Muli ay tinawag ko ang pangalan ng ginoo, but still, no one answers.


Paakyat na sana ako, nang makarinig ng kaluskos na namumula sa likuran ko. Agad ko naman itong nilingon, subalit isang matigas na bagay lamang ang sumalubong sa akin dahilan para...


...magdilim ang paningin ko


==========

Add me on facebook: El Arcturus WP

or follow me on twitter: @el_arcturus

or visit my booklat account: El_Arcturus






The Devil's TimeWhere stories live. Discover now